^

PSN Showbiz

Aktor nakalimutan maglinis ng katawan nang kumalas sa manager

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming nakakapansin sa malaking pagbabago ng itsura ng isang male personality. Dati’y parang bagong paligo siya dahil sa linis ng kanyang katawan pero ngayon ay parang nakakalimot na ang male personality sa kanyang hygiene.

Nagtatanungan ang mga nakakakita sa kanya kung nagbibisyo na ba siya ngayon, pero mukhang hindi naman, walang nagbabago sa kanyang pisikal na pangangatawan.

Kuwento ng isang source, “Parang walang nag-aalaga sa kanya ngayon. Nu’ng makita namin siya, e, parang basta kinuha lang niya sa sampayan ang suot niyang t-shirt, parang hindi man lang pinlantsa.

“Tapos, marumi na ang pantalon niya, pero suot niya pa rin. Ang mga kuko niya, parang marurumi, hindi na yata siya nagkakaroon ng panahong makapaggupit ng mga kuko niya.

“Nakakapanibago lang siya ngayon dahil nasanay na kaming makita siyang areglado ang katawan, mukhang malinis,” simulang kuwento ng aming impormante.

Nu’ng alaga pa siya ng kanyang dating manager ay hindi raw makikitang hindi malinis ang katawan ng male personality. Mula ulo hanggang paa ay binabatanyan kasi ng ex manager niya.

“Naku, hindi puwede sa dating mana­ger niya ang ganyan! Bantay-sarado nu’n ang hygiene niya! Pati ang mga isinusuot niya, kailangang areglado rin, hindi siya pinababayaang makita nu’n in public na may maipipintas sa kanya!

“Nakukulitan na nga siya sa kabibilin ng manager niya, pero sige-sige pa rin ‘yun sa paglilitanya, mainis na siya hanggang gusto niya, pero hindi pa rin titigil sa karorolyo sa kanya ang manager niya!

“Kesa naman sa itsura niya ngayon na parang walang nag-aalaga sa kanya. Imagine, gusut-gusot ang mga isinusuot niya, puwede ba ‘yun sa dating manager niya? Hindi puwede ‘yun!

“May girlfriend naman siya ngayon, pero bakit pinababayaan siya? Maggupitan sila ng mahahabang kuko kung kinakailangan, di ba? Mahahaba na, e, marurumi pa ang mga nails niya!

“Sino pa ang kikiligin sa kanya ngayon habang kumakanta siya kung ganyan na marumi ang katawan niya? Makapagtatanong pa ba naman siya ngayon ng ‘Pare, mahal mo ako?’ Kung ganyan na ultimo kuko lang niya, e, hindi niya na magupitan?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Lucy sabik sa balikan nina Sharon at Goma 

Nag-aabang na ngayon ang mga hindi nagbabagong loya­lista nina Sharon Cuneta at Mayor Richard Gomez. May kilig pa rin ang kanilang tambalan pagkatapos nang maraming taon.

Malapit na nilang simulan ang “Three Words To Forever” kasama ang young actress na si Kathryn Bernardo. Natural lang na nanghihinayang ang mga tagahanga nina Sharon at Gabby Concepcion dahil naunsiyami ang kanilang pagbabalik-tambalan.

Maraming puwedeng balikang kuwento tungkol sa relasyon nina Richard at Sharon. Nakatira nu’n sa Twin Towers si Sharon, kapag malapit na sa Ayala Avenue si Richard ay tatawagan na nito ang Megastar, para buksan ang kanyang bintana.

Habang nasa kalye si Goma ay bababa ito ng kanyang sasakyan, kinakawayan si Sharon na para namang si Juliet na nakapamintana at kaway rin nang kaway habang magkausap sila sa cellphone, kilig na kilig nu’n si Sharon kapag ikinukuwento niya ang ginagawa nila ni Richard kapag madaling-araw na.

Maganda ang kanilang hiwalayan, walang masyadong intriga, tulad ng paghihiwalay nina Sharon at Gabby na talagang punumpuno ng hinampo si Sharon sa ama ni KC.

Nakaabang na ngayon ang mga fans nina Sharon at Richard. Gagawin ng aktor ang pelikula nang hindi nito napababayaan ang kanyang mga constituents sa Ormoc City.

Walang-walang problema kay Congresswoman Lucy Torres ang pagbabalik-tambalan ng kanyang mister at ni Sharon. Tagahanga ito ng love­team, kinikilig ito nu’ng kanyang kapanahunan sa pano­nood ng pelikula nina Goma at Sharon, kaya siguradong ikinaliligaya rin ng misis ni mayor ang proyektong ito.

Kuwento pa ni Lucy sa amin nu’ng magkakasama kami sa TV5, “Kinikilig ako sa kanila, pinanonood ko ang movies nila, pero I know, nu’n pa lang, na magkakakilala kami ni Richard.

“Kapag isinusulat ko ang name ko nu’n, Lucy Torres Gomez na, kahit hindi pa kami nagkakakilala,” kuwento ng magandang kongresista.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ.

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with