^

PSN Showbiz

Children’s Village ng Bantay Bata naging eskuwelahan ng mga inabuso

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Children�s Village ng Bantay Bata naging eskuwelahan ng mga inabuso
Jing

MANILA, Philippines — Totoong pagmamahal, kalinga, at pag-asa ang naghihintay sa mas marami pang inabusong kabataan sa relaunching ng Bantay Bata 163 Children’s Village ngayong taon.

Naging tahanan na ang Children’s Village ng mahigit isang libong bata, na binuksan ng Bantay Bata 163 noong 2003 para matulungang gumaling at makabangon mula sa di­na­­­­nas na pang-aabuso ang mga batang naisalba nila.

Mas pinagandang pasilidad at programa, higit umanong may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse upang sila ay maging matatag na miyembro ng ating komunidad. “Sa kabutihan ng ating mga donor at katuwang na organisasyon tulad ng local government ng Quezon City, mabibigyan na ng Bantay Bata 163 ng mas magandang tahanan ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso at nangangailangan ng ating pagmamahal, pag-unawa, at pangangalaga para makamit nila ang magandang kinabukasan,” sabi ni Jing Castañeda-Velasco, program director Bantay Bata 163 na siyang pumalit kay Ms. Tina Monzon-Palma.

Ayon kay Jing, kayang kupkupin ng Children’s Village ang 120 na inabusong bata, sa parehong pisikal at psychological na pamamaraan, sa isang lugar na mararamdaman nila ang pagmamahal ng isang pamilya. Nakaantabay sa kanila ang mga social worker, health care professional, at house parent sa complex, na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.

Mayroon din silang meditation room, music room, arts and crafts room, library, at eskwelahan para sa mga maliliit na bata, samantalang hatid sundo nila ang mas matandang mga bata sa mga kalapit na paaralan.

Tinuturuan din ang mga bata ng iba’t ibang skills upang maging handa silang maging parte uli ng lipunan mula pag­luluto hanggang pagnenegosyo.

At tulad sa eskuwelahan, hindi puwede ang social media sa kanila.

At maging ang mga magulang at pamilya nila ay hinahanda rin sa kanilang pagbabalik sa pamamagitan ng values formation.

At sa ginanap ngang press conference para sa relaunch ng Children’s Village last Friday (Agosto 17), ibinahagi ng isang benepisaryo ng Bantay Bata 163 kung paano siya natutong bumangon at tumayo sa sarili para sa patuloy na pangangalaga at pagpapaaral sa kanya ng Bantay Bata 163.

“Malaking tulong sa akin ang pag-aaral, lalo na sa sitwasyon ko na walang-walang nagmamahal o nag-aalaga sa akin,” aniya. “Dahil sa tulong nila nahanap ko ang kumpiyansa sa sarili at ang kagustuhang magsumikap ng mabuting kinabukasan.”

Sobrang nakakaiyak ang kuwento. Kung paano siyang iniwan ng minor de edad niyang nanay sa kanyang lolo/tatay at kung paano siya nagpalipat-lipat ng puwedeng tirahan bago napunta sa Children’s Village.

At ngayon ika-21 anniversary celebration ng Bantay Bata 163 ngayong 2018, patuloy na umano nilang pinalalakas pa ito upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata lalo na at 80% ng mga kabataang Pilipino ang nakararanas ng pang-aabuso sa salita, sekswal, o online sa kanilang buhay ayon sa isang pag-aaral ng UNICEF.

Layunin din nila na makahanap rin ng mga paraan upang malabanan at maiwasang mangyari ang mga pang-aabuso, habang nangunguna sa pangangalaga ng karapatan at kalagayan ng mga bata sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng Children’s Village.

vuukle comment

BANTAY BATA 163 CHILDREN’S VILLAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with