^

PSN Showbiz

Gatecrashers malabong makasalisi sa birthday ni Mother Lily

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gatecrashers malabong makasalisi sa birthday ni Mother Lily
Mother Lily

May imbitasyon ngayong hapon ang Film Deve­lopment Council of the Philippines (FDCP) sa selebrasyon para sa Philippine Cinema at pasasalamat dahil sa pagtangkilik sa mga pelikula na kalahok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Visayan Fiesta in the city ang theme ng party at invited performers ang mga OPM singer.

Maaga ang imbitasyon ng FDCP pero may conflict ito sa schedule ko dahil nakakundisyon na ang isip ko na pupunta ako sa 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde. Ngayon ang actual birthday ni Mother at mata­gal na ang kanyang imbitasyon na napaghandaan ko kaya lalabas ako ng bahay, kahit araw ng Linggo.

Hindi ko puwedeng ma-miss ang birthday party ni Mother dahil siya ang fairy godmother ko sa showbiz noong struggling reporter pa lamang ako. Marami akong natutunan mula kay Mother na may pulso talaga sa paggawa ng mga pelikula na magaganda at pag-discover ng mga artista na alam niya na sisikat at iidolohin ng fans.

Sa dami ng mga aktor at aktres na pinasikat ni Mother, tiyak na mapupuno ng mga bisita ang pagdarausan ng 80th birthday party niya.

Mahihirapan ang mga gatecrasher na nagbabalak na maki-join sa party ni Mother dahil mahigpit ang bantay at hindi nagkulang ang mga nag-imbita sa reminder na kailangan na mag-confirm ng attendance ang mga bisita or else, mawawalan sila ng table.

Hindi lamang mga sikat na artista ang imbitado sa birthday celebration ni Mother dahil invited din ang mga kaibigan niya mula sa mundo ng pulitika, mga direktor, ang kanyang high school and college classmates at siyempre, ang mga miyembro ng Yu-Monteverde clan.

(Happy birthday Mother Lily. Sana ay ay walang sumuko sa paggawa ng pelikula. - Salve A.)

The Day After… at Unli life tuloy ang paglakas, ilang entries tsugi na sa mga sinehan

Sad ang balita na na-pull out sa mga sinehan ang mga pelikula na official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino dahil sa kawalan ng audience.

Hindi talaga masisisi ang cinema ow­ners sa desisyon na tsugihin sa kanilang mga sinehan ang mga pelikula na hindi tinatangkilik ng moviegoers dahil malulugi ang negosyo nila.

Kung nawalan ng sinehan na pagtatanghalan ang ilang mga pelikula, nananatili pa rin sa Number 1 and Number 2 slots ang The Day After Valentine’s at Unli Life, respectively.

Lumampas na sa P10 million mark ang box office gross ng mga pelikula ng Viva Films at Regal Entertainment Inc.

Thankful naman si Chito Roño dahil ayon sa kanya, may ‘signal’ pa rin ang Signal Rock dahil palabas pa rin sa mga sinehan ang kanyang pelikula.

Nagkatotoo ang wish ni Chito na ang word of mouth na maganda ang Signal Rock ang maging dahilan para panoorin ng mga tao ang pelikula  niya.

Positive ang lahat ng reviews sa Signal Rock kaya pinanood ito ng moviegoers na naintriga at curious na curious dahil bongga nga ang reviews sa biggest movie break ni Christian Bables.

Ang box office success ng The Day After Valentine’s ang reason kaya nagkaroon ng thanksgiving party ang Viva Films noong Biyernes.

Tuwang-tuwa si Bela Padilla dahil nagustuhan ng mano­nood ang second movie team up nila ni JC Santos.

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with