^

PSN Showbiz

Komedyanteng super ewan, pumapayag saktanat abusuhin ng gf na ginagastusan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Puring-puri ng kanyang mga kaibigan at katrabaho ang isang komedyante dahil sa kanyang katapangan. Marunong sa  buhay ang male personality na madalas pagdudahang beki dahil sa kanyang asta.

Halos lahat ng kanyang mga kinikita ay inilalaan niya sa kanyang pamilya, gusto niyang makatikim ng kaginhawahan ang kanyang mga mahal sa buhay na sa probinsiya naninirahan, laki sa hirap ang komedyante.

Wala siyang kapaguran, kaya niyang magtrabaho nang kahit magdamagan, saka na ang pahinga dahil maraming taong umaasa sa mga biyayang napapasakamay niya.

Pero meron siyang kahinaan, ‘yun ang madalas na nagiging dahilan ng pagkawala niya sa sarili, naaapektuhan kasi siya.

Kuwento ng aming source, “Sa likod ng matitinis niyang halakhak, sa ginagawa niyang pagpapatawa, nasa likod ng utak niya ang sobrang lungkot. Outlet niya kasi ‘yun dahil sobrang emotional siya.

“Madali siyang talunin ng emosyon. Sobrang bait kasi niyang karelasyon. Lahat ng luho ng girlfriend niya, ibini­bigay niya. Spoiler siya.

“Nu’ng nag-show nga sila sa ibang bansa ng mga kaibigan niya, e, wala siyang binibiling kahit ano para sa kanya. Make-up lang ang binibili niya para sa sarili niya dahil kailangan niya ‘yun sa pagpe-perform niya.

“Pero bukod du’n, e, wala na. Puro para sa babae ang binibili niya. Branded stuff, mamahaling gamit talaga, dahil gusto niyang pasayahin ang karelasyon niya,” unang reaksiyon ng aming impormante.

Pero sa kabila ng lahat ay parang kulang na kulang pa rin para sa babae ang mga ginagawa niya. Madalas pa rin siyang awayin nito, masasakit na salita ang ipinakakain sa kanya, na umaabot pa nga sa pisikal na pananakit sa kanya.

“Nakakaawa ‘yun! Masyado kasi niyang ipinakikita sa girl ang sobrang pagmamahal niya. Sobra siyang matiisin, pinalalampas lang niya ang mga pananakit sa kanya ng girl, sinasaktan talaga siya!

“’Yun ang kahinaan niya. Kaya niyang labanan ang kahit ano, pero ang  puso niya, palagi siyang talo. Gusto na nga siyang dagukan ng mga kaibigan niya, e. Baka raw sakaling makalog ang utak niya at magising siya sa katotohanan na hindi siya dapat pumapayag na sinasaktan siya ng babae!

“Naku, super-bait siya, super-pasensiyoso, super-spoiler, super-ewan!” naiinis na pagtatapos ng aming source na awang-awa sa magaling na komedyante.

Ubos!

Biyaheng Senado ni Mocha, hindi rumatsada

Laglag ang pangalan ni Asec Mocha Uson sa listahan ng mga posibleng maging manok ng PDP-Laban sa pagkasenador sa darating na halalan. Lumutang ang pangalan ng ibang pulitikong hindi naman matunog ang pangalan pero ang kontrobersiyal na si Asec Mocha ay hindi man lang sumabit sa biyahe.

Dalawampu’t apat na pangalan ang kasama sa listahan, maraming datihan nang senador at may mga ngayon lang sasabak sa labanan, pero kahit gamitan mo ng magnifying glass ay wala talaga ang pangalan ni Aleng Mocha.

Nagulat siyempre ang kanyang mga tagasuporta, matagal na kasi siyang ipinagtutulakan ng mga ito na literal na siyang pumasok sa mundo ng pulitika, hindi basta appointed lang ng pangulo.

Pero wala nga, e! Hindi nga kabilang ang pangalan ng assistant secretary ng PCOO sa mahabang listahan, dinedma ang kanyang presensiya, kaya naudlot ang pangarap ng kanyang mga alipores na maging senador siya.

Pero maganda na ring wala sa listahan si Asec Mocha, mas matinding panglalait ang aabutin niya kung sakaling mapasama siya, malalagay rin sa alanganin ang PDP-Laban kapag binigyan siya ng espasyo sa mga pagpipiliang tumakbo bilang senador sa darating na eleksiyon.

Tama nang ganyan na lang siya na ginagawa ang kanyang gusto kahit pa kalaban niya ang mga kababayan natin. Tama nang nand’yan na lang siya bilang kabahagi ng PCOO na madalas niyang inilalagay ang posisyon sa kahiya-hiyang paraan.

Imadyinin natin ang Senado kung sakaling suwerti­hing maposisyon si Aleng Mocha? Anong klase kaguluhan ang bibitbitin niya sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso kapag nagkataon?

Sabi nga ng isang pulitikong may mataas na posisyon sa ating bayan, “Ni hindi nga niya alam kung nasaan ang Mayon volcano, aasa pa siyang mapasama sa listahan?”

Sabi naman ng kaibigan naming propesor, “At please, huwag siyang ikinukumpara kay dating Senador Lito Lapid! May pinanggalingan si Senator Lito, nagsimula siya sa ibaba hanggang sa maging senador na siya!

“Hanggang ngayon, pinuno pa rin siya sa Ang Probinsyano, mataas pa rin ang kanyang posisyon, iginagalang siya ng mga miyembro ng Vendetta!” sabi ni prop.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with