^

PSN Showbiz

IWALY ang bilis ng book 2

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
IWALY ang bilis ng book 2

In all fairness, may book 2 na ang romantic comedy series na Inday Will Always Love You (IWALY). Meaning pumatok talaga  ang pinagbibidahang serye ni Barbie Forteza.

Kaya naman ayon kay Barbie, sa darating na mga linggo, mas kaabang-abang ang malalaking pasabog, bagong mga karakter, at special guests na susorpresa sa IWALY fanatics.

Bukod kay Barbie, isa pa sa kinaaliwan sa serye ay si Gladys Reyes na kakaiba ang atake sa pagiging kontrabida na mas matitindi pa ang pakakawalang galit kay Inday (Barbie) ngayong nakuha na ni Amanda (Gladys) ang lahat ng yaman at ari-arian ng kanyang ama na si Philip (Ricky Davao). Babalik sila sa Maynila at magtatayo ng maliit na negosyo. At sa pagsisimulang ito, dara­ting ang dating kaibigan ni Philip—si Florence na gagampanan ni Jean Garcia.  Tutulong siya para maibangon ang negosyo, pero mukhang may naaamoy na “threat” si Marta (Manilyn Reynes).  Kaibigan nga ba o karibal si Florence?

Ang bestfriend naman ni Happylou na si Kimberlou (Tekla), may itinago rin palang sikreto. Hindi alam ng nanay niya na bading siya. Kaya magpapanggap siya na kasintahan niya si Happylou! Paano kung ang gusto ng kanyang nanay ay diretso na silang ipakasal sa simbahan?

Parang roller coaster naman ang lovelife ni Happylou. Nang masaksak at mag-agaw buhay ang dalaga, doon napagtanto ni Patrick (Derrick Monasterio) ang panganib na idinudulot niya at ng kanyang ina na si Amanda sa kanyang minamahal. Kaya siya na mismo ang lalayo para siguraduhing ligtas si Inday.

Sa paglayo ni Patrick, mas magkakaroon na ba ng chance si Ernest (Juancho Trivino) sa puso ni Happylou?

Ayon kay Barbie marami pang bibisita sa barangay ni Happylou linggu-linggo kasama na sina Kyline Alcantara, Kim Domingo at marami pang ibang surprise guests.

Mapapanood ang Inday Will Always Love You, gabi-gabi pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

vuukle comment

INDAY WILL ALWAYS LOVE YOU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with