^

PSN Showbiz

Ricky binukong lalaki talaga si Super Tekla

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ricky binukong lalaki  talaga si Super Tekla
Tekla

Ang stars and staff ng Inday Will Always Love You ang nagpapatotoo na lalaking-lalaki at hindi baklita ang comedian na si Super Tekla.

Ang sabi ni Ricky Davao, magkasama sila ni Super Tekla sa tent sa tuwing may taping, napapansin niya na ang kanilang mga female co-star ang tinitingnan ng komedyante, hindi ang mga nagbibihis na male co-stars.

Sumusumpa naman si Super Tekla na babae at hindi mga lalake ang type niya. Napagkakamalan daw siya na baklita dahil na-acquire niya ang kilos at pananalita ng kanyang gay co-workers sa mga comedy bar.

Actually, problematic si Super Tekla nang umapir siya sa presscon ng Inday Will Always Love You noong Huwebes dahil hiniwalayan niya ang kanyang girlfriend.

Nahihirapan si Super Tekla na mag-move on dahil tumagal din ng limang taon ang relasyon nila.

Sariling pasya ni Super Tekla ang makipaghiwalay dahil nagbago na raw ang ugali ng kanyang girlfriend na sinasaktan siya at nagbabasag ng mga kasangkapan kapag nag-aaway sila.

Hoping si Super Tekla na makaka-recover na siya very very soon mula sa loneliness at emptiness na nararamdaman dahil affected na ang work niya.

Ayaw nang makipagbalikan ni Super Tekla sa ex-dyowa niya na nangungulit daw na bigyan ng sustento kahit the end na ang love affair nila ng komedyante.

Aktres umatras sa sampal ni Gladys

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong tungkol sa identity ng aktres na blind item ni Gladys Reyes sa presscon ng Inday Will Always Love You.

Kahit anong pilit ng mga reporter, tumanggi si Gladys na pangalanan ang aktres na nagbanta na sasampalin din siya kapag itinuloy ang slapping scene nila sa isang television show.

Madaling kausap si Gladys kaya ito mismo ang nagsabi sa direktor na huwag nang ituloy ang eksena ng sampalan nila para hindi na maimbyerna ang aktres na marunong pa sa writer ng show at wagas ang pagmamaganda.

Kung nag-iinarte ang aktres at nagbibigay ito ng problema sa production staff, hindi malabo na mawalan siya ng mga assignment dahil hindi siya marunong makisama at makipag­kapwa-tao.

Puwedeng insecure rin siya kay Gladys dahil mas magaling ito na aktres kesa sa kanya.

CJ nag-taping na sa Probinsyano

Hindi nagkamali ang hula ko noon na posibleng mapanood sa Ang Probinsyano ang former child actor na si CJ Ramos dahil tiyak na tutulungan siya ni Coco Martin.

Tumpak ang hula ko dahil kasali na rin si CJ sa cast ng primetime show ni Coco Martin sa ABS-CBN.

Kilala si Coco sa pagtulong sa mga artista na hindi na aktibo sa telebisyon at pelikula.

Balitang-balita ang pagkakadakip kay CJ sa isang buy-bust operation, ang kawalan ng trabaho at ang kahirapan na nararanasan ang dahilan kaya nalulong siya sa paggamit ng illegal drugs.

Hindi nakalampas kay Coco ang dilemma ni CJ kaya to the rescue siya.

Ngayong binigyan na siya ni Coco ng second chance, magtuloy-tuloy na sana ang pagbabagong-buhay ni CJ na may panahon pa para ituwid ang mga pagkakamali niya.

Nag-taping na si CJ para sa mga eksena niya sa Ang Probin­syano na isa lang ang kahulugan, nakapagpiyansa ang former child star  para sa kanyang kaso kaya nakalaya siya.

Sure ako na hindi si CJ ang huling artista na tutulungan ni Coco dahil napakaraming inactive stars na naghihintay na mabigyan uli ng mga trabaho at umaasa na mapapansin sila ng bida ng Ang Probinsyano.

vuukle comment

SUPER TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with