^

PSN Showbiz

Alex at Toni natupad ang pangarap na mag-aagawan sa isang lalaki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Alex at Toni natupad  ang pangarap na mag-aagawan sa isang lalaki
Alex at Toni

Isa si Alex Gonzaga sa mga artistang sinusu­baybayan ng mga tagahanga online dahil sa kanyang video blogs (vlogs). Talagang nakaaaliw ang aktres bilang vlogger kaya naman lampas na sa isang milyon ang kanyang subscribers sa loob pa lamang ng isang taon. 

“I felt na ‘yung ginagawa ko sa mainstream parang nalilimitahan ako. Parang di ko naipapakita kung sino ang totoong ako. So dahil siguro parang hindi tanggap ng iba ang humor ko naisip ko na gumawa ng video vlog,” nakangiting bungad ni Alex. 

Suportado rin ng kapatid na si Toni Gonzaga ang dalaga sa ginagawang vlogs kaya naman madalas ding mapanood ang aktres kasama pa ang mag-amang sina Paul Soriano at Seve. “Parang ginawa niya lang itong therapy for herself para ma-express niya ang sarili niya. Tapos ngayon one year na siya tapos meron na siyang 1.4 million subs­cribers,” kwento naman ni Toni. 

Samantala, ngayon ay abala ang magkapatid para sa isang pelikula na kasama si Sam Milby. “Ang movie namin is about magkapatid siyempre na magla­laban para sa isang lalaki. Parang love triangle siya pero magkapatid,”pagbabahagi ni Alex. 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sina Toni at Alex sa isang pelikula na matagal na nilang pinapangarap na mangyari. “Dream namin na magkaroon ng movie together and it took a while. Kasi we are finding the right material na bagay sa amin. We are working with the best team, the best group. Pinapaganda talaga namin ang movie,” kwento ni Toni. Merry, Merry Me ang working title ng pelikula na inaasahang ipalalabas sa mga sinehan bago magtapos ang taon. 

Bugoy, hindi makapaniwalang naka-isang dekada na

Sa September 25 ay gaganapin sa Kia Theater ang Bugoy One Day, One Decade Concert ni Bugoy Drilon. 

Masayang-masaya ang singer dahil aktibo pa rin siya sa music industry hanggang ngayon. “Masaya po ako sa unang dekada ko na nakaabot ako sa ganitong mileage ng career ko. I’m blessed na sa mga achievements,” bungad ni Bugoy.

Hindi raw halos makapaniwala ang binata na tatagal siya ng isang dekada sa show business mula nang mapabilang sa top 3 finalists ng Pinoy Dream Academy Season 2 noong 2008. “Hindi pa rin ako makapaniwala na aabot ako ng ten years. Actually po noon di ako makapaniwala na makakapasok ako sa competition. Nakakatuwa lang na makita na ito ang hard work ko,” giit ni Bugoy. 

May ilang mga bagay ding natutunan ang singer sa loob ng isang dekadang pananatili niya sa showbiz. “If you’re a good artist, dapat you’re more humble. Hindi lang kasi talent mo ang mag-speak kundi ang connection mo sa tao,”pagtatapos niya.

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with