^

PSN Showbiz

Cesar nakahanda na sa Senado

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Cesar nakahanda na sa Senado
Cesar

Juancho bato na sa bashers ng ‘relasyon’ nila ni Maine

SEEN: Ginantihan ng public service host na si Ben Tulfo sina Senator Antonio Trillanes at Senator Dick Gordon sa kanyang vlog. Matapang na binatikos ni Tulfo ang paraan ng pagtatanong nina Trillanes at Gordon sa Senate inquiry tungkol sa alleged P60 million ad placement ng Department of Tourism na dating pinamumunuan ng kanyang kapatid na si Wanda Teo sa programa niya sa PTV4.

SCENE: Nakahanda na si Cesar Montano kung sakali na ipatawag siya sa senado ng Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa mga katiwalian na ibinibintang laban sa Department of Tourism at Tourism Promotions Board. Nagbitiw si Cesar bilang Chief Ope­rating Officer ng Tourism Promotions Board noong May 2018.

SEEN: Tinantanan na si Juancho Trivino ng bashers na hindi matanggap ang balita na siya ang inililihim na boyfriend ni Maine Mendoza. Sinabi ni Juancho sa presscon ng Inday Will Always Love You na hindi na siya nagpapaapekto sa bashers niya.

SEEN: Ipinagluluksa ng music lovers sa buong mundo ang pagpanaw ng Queen of Soul na si Aretha Franklin na binawian ng buhay noong Huwebes, August 16, sa edad na 76 dahil sa pancreatic cancer.

SCENE: Kasabay ng pagluluksa dahil sa pagkamatay ni Aretha ang mga pagbati para kay Madonna na nagdiwang ng 60th birthday noong August 16. Senior citizen na ang Queen of Pop.

SEEN: Naririto sa bansa ang all-girl K-Pop group na Momoland na inimbitahan para mag-perform sa isang exclusive at private event sa Solaire. Ang Momoland ang umawit ng monster hit song at viral dance craze na Bboom Bboom.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with