^

PSN Showbiz

Vhong may wish kina Vice at Anne

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Vhong may wish kina Vice at Anne
Vhong

Signal Rock malakas ang word of mouth

PIK: Mamayang gabi na nga mapapanood sa The Clash ang sinasabi ni Regine Velasquez na nakakalokang episode na kung saan ang top 15 clashers ay maglalaban na magkapares naman.

Nung nakaraang Linggo nga ay Laban kung Laban ang napanood sa mga clasher, ngayon naman ay Pares kontra Pares.

Kahit nga si Regine ay naloka sa kakaibang twist na ito na kung saan maglalaban sila ng magkapares na pinili ng ran­domizer.

Magdu-duet ngayon ang magkapares at ang Clash panel ang magdi-decide kung aling pares ang babalik sa upuan. Ang pares na hindi mapili ay maglalaban naman ngayon na tinawag nilang Ma­tira ang Matibay.

Ganun katindi ang labanang mangyayari sa Clash Arena.

PAK: Proud si Vhong Navarro sa binata niyang anak na kasama niya nung nakaraang premiere night ng Unli Life.

“Hindi ko naman po sinasabi sa mga kabataan na dapat magkaanak na kayo nang maaga. Nagkataon lang na bata pa ako, 19 pa lang ako, nagkaroon na ako ng anak.

“Mabuti at nabiyayaan lang ako ng magandang trabaho kaya napalaki ko nang maayos at heto nga college na siya,” masa­yang pahayag ni Vhong tungkol sa anak niyang si Frederick pati ‘yung anak niya kay Bianca Lapus na si Yce na kasama niya rin sa premiere night.

Thankful din ang bida ng Unli Life dahil nandiyan daw ang partner niyang si Tanya Bautista na malapit din sa kanyang mga anak.

Tuwing magkasama raw si Tanya at ang mga anak niya, parang magkakabar­kada lang daw sila.

“Yung girlfriend ko po ngayon, sobrang close po sila. Everytime na pumupunta sa bahay para dumalaw. Hindi lang tita-tita ang tingin nila eh, kundi kaibigan.

“Kasi tratuhan namin ng mga anak ko sabi ko gawin nating barkada o kaibigan para lahat puwede natin pag-usapan.

“Yung tita nila, si Tanya yung girlfriend ko, ganun din kung paano nila pakisamahan. Pero siyempre merong parang tinatawag na may hangganan. Hindi naman puwede na ganun lang palagi na parang magkabarkada, siyempre nandiyan pa rin ang respeto.”

Kaya wala nang mahihiling pa ang actor/TV host dahil maganda ang takbo ng career lalo na’t tuluy-tuloy na box-office hits ang mga pelikula niya.

Pagkatapos nitong Unli Life, meron pang gagawin  si Vhong sa Regal, pero wish daw sana niyang magkasama sila nina Vice Ganda at Anne Curtis sa isang pelikula.

“Medyo mahirap pa siguro ‘yun eh,” pakli ni Vhong.

Pero ang isa pa sana sa gusto raw niyang makasama uli ay si Toni Gonzaga.

“Iba kasi ang tandem namin nito eh. Talagang maganda ang chemistry namin at medyo matagal na kami nagkasama eh,” dagdag na pahayag ng comedian/TV host.

BOOM: Nawala ang isang contact lens ni direk Chito Roño nang nagpa-celebrity premiere ang Signal Rock sa Trinoma nung nakaraang Miyerkules, August 15.

“Kaya bulag ang isang mata ko,” pakli ni direk Chito na sapu-sapo pa ang kanang mata niya.

Hindi niya kasi napigilang mapaluha pagkatapos ng pelikula dahil maganda ang feedback at nagpasalamat siyang nabuo rin niya na passion project daw niya talaga.

Pero hindi nga lang maganda ang resulta sa boxoffice dahil iilang sinehan lang ang nabigay sa naturang pelikula.

Napunta ang karamihang sinehan sa The Day After Valentine’s at Unli Life na nangunguna sa takilya.

Kaya nakiusap si direk Chito lalo sa mga taga-probinsya na sana tangkilikin itong Signal Rock dahil mapa-proud ka raw talaga bilang isang pro­binsyano.

“Malapit sa akin talaga ang movie na ito, kasi ‘di ba tayong mga Bisaya, lahat tayo probinsyano, pareho tayong lumaki sa ganung klaseng simple lang ang buhay. Maipagmamalaki natin na kaya nating tumayo,” pahayag ni direk Chito.

May word of mouth naman sa nasabing pelikula dahil nagandahan ang lahat ng nakapanood nito, kaya inaasahan nilang madagdagan pa ito ng mga sinehan.

 

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with