Barbie
Barbie napatili pag halik ni Jak ang nababanggit
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2018 - 12:00am

Napasigaw si Barbie Forteza nang magkita kami kahapon sa presscon ng Inday Will Always Love You dahil sa comment ko na naranasan na niya na ma-kiss ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto.

Naloka yata si Barbie dahil hindi niya expected ang sasabihin ko.

Blooming na blooming si Barbie dahil bukod sa maligaya ang lovelife niya, mataas ang rating ng Inday Will Always Love You kaya inspired na inspired siya na magtrabaho.

Mali ang akala ng fans na madalas na nagkikita sina Barbie at Jak dahil may conflict sa taping schedule nila.

Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ang taping ni Barbie para sa Inday Will Always Love You at Martes, Huwebes at Sabado naman ang taping ni Jak para sa Contessa kaya tuwing Linggo lang ang free time nila.

Ang conflict sa schedule ng dalawa ang dahilan kaya kahit puyat sa taping ng Contessa, pinuntahan ni Jak si Barbie sa set ng Inday Will Always Love You para personal na batiin ng happy birthday ang girlfriend niya.

Wala nang mahihi­ling pa si Barbie dahil napagsasabay niya ang kanyang career at lovelife.

Gladys magaling sa negosyo

Nag-taping ang Inday Will Always Love You sa Estela, ang restaurant sa Sta. Lucia East Mall na pag-aari nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Magaling talaga na businesswoman si Gladys dahil knowing her, hindi tie-up o ex-deal ang taping ng Inday Will Always Love You sa Estela.

Natutuwa si Gladys dahil kontrabidang-kontrabida man ang role niya sa top-rating primetime teleserye ng GMA 7, hindi nagagalit sa kanya ang televiewers.

Amanda na rin ang tawag kay Gladys ng mga tao na nakakasalamuha niya, hindi na Clara, ang name ng kanyang karakter sa Mara Clara, ang soap opera ng ABS-CBN na pinagbidahan nila noon ni Judy Ann Santos.

Tickets sa concert ni Anne pinag-aagawan

Marami ang humihingi sa akin ng complimentary tickets para sa AnneKulit concert ni Anne Curtis, isang sign na sobrang interesado ang fans sa kanyang 21st anniversary concert na magaganap bukas, August 18, sa Smart Araneta Coliseum.

Makulit ang mga nanghihingi ng tickets kaya thank you so much kay Baby Gil na nagbigay sa akin ng complimentary tickets.

Special guests ni Anne sa AnneKulit sina Sarah Geronimo, James Reid, Regine Velasquez, Aegis at ang Ex Battalion.

Nangako si Anne na last concert na nito ang AnneKulit kaya ayaw itong palampasin ng fans na nalulungkot dahil buo ang paniniwala nila na hindi pa panahon para tuldukan ang singing career ng aktres.

BARBIE FORTEZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with