^

PSN Showbiz

Sam ‘di ramdam ang pagiging lustful!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sam �di ramdam ang pagiging lustful!
Sam

Gabi-gabing napapanood ang teleser­yeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

 Kamakailan ay inilarawan ng dalawang aktres na ‘wild’ umano ang istilo ni Sam tuwing humahalik sa kanila sa mga eksenang ginagawa.

Ayon naman sa aktor ay ibinabagay lamang niya sa karakter ang kanyang mga ikinikilos sa serye. “Siyempre sa character ‘yan. He’s very, ‘yon nga medyo lustful siya and wild siya,” nakangiting pahayag ni Sam.

Wala umanong kamalay-malay ang aktor na wild na pala ang dating ng kanyang paghalik kina Yam at Yen na kanilang ginagawa sa mga eksena ng serye.

“Gano’n pala ako, Kasi sa character, it’s more lust-passion. In real life passionate ako,  ako personally, passionate ako. If it’s love, iba ‘yung passion. Not wild passion, it’s the love passion, ‘yung mas gentle,” paliwanag ng aktor.

Marlo natupad na ang pangarap na maging singer

Noong Miyerkules ay pumirma ng kontrata sa Star Music si Marlo Mortel.

Ayon sa aktor ay noon pa niya pinapangarap na maging recor­ding artist ng nasabing recording label.

Kakaibang genre ng mga kanta ang nakatakda niyang gawin para sa mga tagahanga at mailalarawan daw ito ni Marlo bilang isang album-serye.

“Pinoy country, actually very similar siya sa gusto nating mga Pilipino. It’s all about love, may kaunting drama na pasadong-pasado sa Pinoy taste. And I think it’s time na ma-recognize siya dito sa Pilipinas,” nakangiting pahayag ni Marlo.

Bukod sa pag-arte at pagkanta ay araw-araw ding napapanood ang aktor sa Umagang Kay Ganda bilang host. Ginagawa raw inspirasyon ni Marlo ang inang matagal nang nakikipaglaban sa breast cancer upang pagbutihin ang lahat ng trabaho.

Ayon sa aktor ay palala na nang palala ang kondisyon ng ina ngayon at humihiling na lamang siya na sana ay mangyari ang isang himala. “Ayaw niyang pasabi pero ang ganap eh ilang linggo na siya doon. Ibig sabihin medyo malala na ‘yung nangyayari. Usually aabot lang naman kami ng wala pang one week kapag nagche-chemo siya, pero iba na kasi ito. Iba’t ibang operations na ‘yung ginagawa sa kanya, so medyo… basta. Ginagawa ko siyang inspirasyon. It hurts every time na nakikita ko siya nang ganoon kasi iba na talaga ‘yung itsura niya. Nagpi-pray pa rin kami, umaasa na gagaling pa din siya,” makahulugang pahayag ni Marlo.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with