^

PSN Showbiz

Namimirata ng PPP movie huli sa akto!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Namimirata ng PPP movie huli sa akto!
Ritz at Sanya

SEEN: Dumalo si ABS-CBN consultant Charo Santos at former Star Cinema producer Malou Santos sa premiere night ng Signal Rock sa TriNoma Cinema 5 noong Miyerkules bilang suporta sa direktor na si Chito Roño.

SEEN: Ang lubos na pasasalamat ni Vhong Navarro dahil sa suporta ng publiko sa Unli Life sa unang araw nito sa mga sinehan noong Miyerkules. Sinuportahan din ni Vhong ang premiere night ng Signal Rock, ang pelikula na produksyon at mula sa direksyon ng kanyang manager na si Chito Roño.

SCENE: Ang hinala na pinupuntirya ng mga film pirate ang mga sinehan sa Rizal dahil sa pagkakaaresto noong Miyerkules sa isang babae na nahuli na illegal na kinokopya sa pamamagitan ng kanyang cellphone ang The Day After Valentine’s ng Viva Films. Hinuli ang babae sa SM Center cinema sa Angono, Rizal. Noong nakaraang taon, babae rin ang sinampahan ng kaso sa bisa ng Anti-Illegal Camcording Law dahil naaktuhan siya na kinokopya ang Mang Kepweng Returns sa SM Cinema sa Taytay, Rizal.

SEEN: Mga aktres na kilala sa pagganap na kontrabida ang mapapanood sa mga susunod na episode ng Inday Will Always Love You, sina Kyline Alcantara, Thea Tolentino at Jean Garcia.

Scene: The Hopeful Romantic ang pamagat ng pelikula nina Ritz Azul at Pepe Herrera. Si Topel Lee ang direktor at ang Regal Entertainment Inc. ang producer ng nasabing pelikula.

SEEN: Walang driver at walang kasambahay si Mike Tan at ang misis niya na buntis dahil hindi na raw sila kakasya sa condominium unit na tinitirhan nila sa Mandaluyong City. Malapit nang matapos ang teleserye ni Mike sa GMA 7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka at umaasa siya na mabibigyan agad ng follow up project dahil pinaghahandaan niya ang pagsisilang ng kanyang asawa.

SCENE: Nagsimula na ang shooting nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez para sa Love and Lust, ang sexy movie ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nila. Kinunan kahapon ang mga eksena nina Derrick at Sanya sa isang beach resort sa La Union.

vuukle comment

RITZ AZUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with