Liz at anak
Liz Uy ayaw tantanan sa partner!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2018 - 12:00am

Hindi man showbiz personality ang celebrity fashion stylist na si Liz Uy ay kilalang-kilala rin ito sa showbiz dahil sa kanyang affiliation sa mga kilalang celebrities hindi lamang bilang stylist kundi bilang mga kaibigan.

Hindi rin maikakaila na si Liz ay ex ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz at minsan din siyang na-link kay dating Pangu­long Noynoy Aquino.

Kamakailan lamang ay naging controversial ang magazine editor at fashion stylist dahil sa pagkakaroon nito ng anak na si Xavi (Xavier) sa isa umanong may-asawang businessman si Raymond Racaza. Pero itinanggi ito ni Liz sa isang interview recently kung saan sinabi nitong hiwalay na si Raymond sa kanyang dating misis na isang doctor na si Dr. Geraldine Zamora at na-annulled this year ang kanilang kasal.

Pero hindi ‘yun nakalampas sa netizens. Nakalkal nila sa IG account ng ex misis ng partner ni Liz na magkasama pa ang mag-asawa nung panahong sinasabi ni Liz na sila ay may relasyon diumano.

Si Raymond ay may isang anak na babae sa kanyang ex-wife na si Ging, palayaw ni Dr. Geraldine Zamora na sinasabing hindi piniling mag-ingay nung mabuntis si Liz ng kanyang mister.

Sa susunod na buwan ay mag-iisang taon na ang cute na si Xavi kaya tiyak na isang bonggang 1st birthday celebration ang ihahanda ng stylist sa anak na inilabas niya sa social media kamailan lamang.

Edu sabik na rin sa apo

Kung ang Star for All Seasons at 6th District of Batangas Representative Vilma Santos-Recto lamang ang tatanungin, gustung-gusto na nitong magkaroon ng apo sa kanyang panganay na anak na si Luis Manzano kahit nung panahong girlfriend pa ni Luis si Angel Locsin. Ngayon ay ang actress na si Jessy Mendiola na ang kasintahan ng actor-TV host.

Luis is 38 at 25 naman si Jessy at 13 years ang kanilang age gap pero hindi ito hadlang sa dalawang taong nagmamahalan. Ganundin naman ang nangyari kina Billy Crawford who’s 36 at 25 naman ang kanyang misis na ngayong si Coleen Garcia.

Kahit ang ex-husband ni Cong. Vi at ama ni Luis na si Edu Manzano ay naghihintay na rin sa pag-aasawa ng kanyang panganay na anak pero ayaw umano niya makialam sa desisyon ni Luis.

 Sana nga ay hindi na maudlot ang sinasabi ni Luis na kasal nga nila ni Jessy.

Lara at Marco naghahanda na sa paglabas ng second baby

In a couple of months or so ay lalabas na ang second baby ng mag-asawang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz na isa na namang baby boy.

Boy ang panganay ng mag-asawang Lara at Marco na si Noah na six years old na ngayon.

Hindi pa man lumalabas ang second baby boy ng mag-asawa ay may nakahanda na silang pangalan sa kanilang baby, Tobias Nolan.

Bukod sa mag-asawang Lara at Marco ay excited din ang kanilang panganay na si Noah dahil magkakaroon na siya ng baby brother at magiging playmate.

Kahit buntis ay tinapos ni Lara ang kanyang mga eksena sa drama-fantasy TV series na Bagani na magtatapos sa araw na ito.

Personal…

Belated birthday greetings kay Dr. Jonathan Dizon of St. Luke’s Medical Center last August 11 at kina Aga Muhlach at Marian Rivera last August 12.

LIZ UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with