^

PSN Showbiz

Aktres naiyak sa masasakit na salitang pinakawalan ng direktor!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiyak ang isang aktres sa shooting ng ginagawang pelikula dahil sa masasakit na salita ng director. First time makaranas ng aktres na pagsalitaan ng director sa harap pa naman ng ibang cast at production.

Mabait ang aktres at kilala itong hindi reklamador at sinusunod ang bawat sabihin ng mga nakakatrabahong director, kaya ikinagulat ng mga nasa set na pinuntirya siya ng kanyang director.

Hindi rin naging isyu sa aktres ang pagiging late dahil maaga itong dumarating sa shooting. Kaya nakakagulat na may isyu pala sa kanya ang director ng pelikula.

Hindi na nagsumbong sa producer ng movie ang aktres, pero nakarating pa rin sa producer na umiyak siya. Kaya may taga-production na dumating sa shooting at kinausap ang director at ang aktres at ibang cast na kung may problema sila, kalimutan na muna at tapusin muna ang pelikula.

Gusto na tuloy namin magpa-presscon ang movie para marinig ang sasabihin ng director sa aktres at sasabihin ng aktres sa kanyang director.

Jean at Kyline guguluhin si Barbie

Naka-post na sa Instagram (IG) ni Kapuso PR Girl ang guesting nina Jean Garcia at Kyline Alcantara sa Season 2 ng Inday Will Always Love You.

Ex-GF ni Philipp (Ricky Davao) ang role ni Jean na tutulong para mabawi ni Philipp ang kaya­manan niya kay Amanda (Gladys Reyes). May confrontation scenes sila ni Gladys at isa yun sa aabangan ng viewers.

Kapitbahay naman ni Inday (Barbie Forteza) sa Manila ang role ni Kyline kaya marami silang eksena ni Barbie. Maldita raw ang role rito ni Kyline, kaya abangan din.

Sabi ni Barbie, marami pang aabangan sa Inday Will Always Love You na ikatutuwa ng sumusubaybay sa show. Nagpapasalamat din sila sa mainit na pagtanggap ng viewers sa show na kahit late na ang time slot, inaabangan pa rin kahit ng mga bata.

Isa pang patunay na hit sa viewers ang Inday Will Always Love You, ginagaya ang hairstyle ni Barbie na nakatirintas. May mga nagsi-send ng pictures sa production na nakatirintas at ginaya raw nila si Inday.

Natutuwa at nagpapasalamat si Barbie na pinu­puri ang husay at pagiging propesyonal niya ng mga kasama sa show. Lalo na sina Ricky Davao at Gladys Reyes na puro positive ang comments sa kanya.

Napapanood ang Inday Will Always Love You from Monday to Friday.

Kyline ayaw nang doble-dobleng trabaho

Tatapusin muna ni Kyline Alcantara ang September 8 Kyline Take FL1GHT concert sa Skydome saka, magmi-meeting for her next teleserye sa GMA-7.

Hindi pa man in-announce, marami na ang natutuwa na magkakasama sa isang teleserye sina Kyline at Therese Malvar. Kailangan lang maganda ang story at magagaling na cast at siguradong papatok ang teleserye ng dalawa.

Speaking of Take FL16HT si Marvin Caldito at musical director si Soc Mina. Guests sina Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, Migo Adecer at Kristoffer Martin. Hindi natuloy si Mavy Legaspi, ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

JEAN GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with