Donita
Donita handa na uling ma-in love
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Handa na uling ma-in love si Donita Rose.

Yes, open na siya pagkatapos ngang maplantsa ang nangyari sa kanila ng ex husband na ama ng kanyang 14-year old son.

Pero hindi naman siya nagmamadali. Mas prio­rity  niya ngayon ang trabaho bilang chef host sa Heart Mate Kitchen Season 2.

Yes hindi na nga lang basta actress and TV host si Donita Rose, celebrity chef na siya.

In fact naka-season 2 na ang Heart Mate Kitchen na napapanood na until October.

Madaling sundan ang mga niluluto niya sa programa gamit ang Jolly Heart Mate Canola Oil, ang sinasabing no. 1 canola brand sa bansa.

At kung lulutuan niya ang magiging bagong dyowa, ano ito? “Siguro crispy pork billy binagoongan,” sabi niya na parang sa kuwento pa lang ay nakakatakam na.

Eh wala ba siyang planong magtayo ng restaurant? Marami raw gustong mag-invest pero takot siyang magsimula ng business na pera ng ibang tao. Mag-iipon daw muna siya kung saka-sakali at gusto muna niyang mag-concentrate sa pagtatrabaho ngayon.

Nag-uumpisa uli si Donita sa simula nang maghiwalay sila ng asawang si Eric Villarama na nadiskubre niyang nanloloko.

Pero ngayon ay ayos na sila ng asawa at co-parenting sila sa anak na teenager. Meron nga raw silang viber group kung saan doon sila nag-uusap na mag-anak tungkol sa concerns ng nag-iisa nilang supling.

DONITA ROSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with