^

PSN Showbiz

Iza walang reklamo sa pagna-nanay!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Iza walang reklamo sa pagna-nanay!
Iza

Sa Lunes ay magsisimula na sa ABS-CBN ang teleseryeng Nga­yon at Kailanman na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. 

Kasama rin sa nasabing proyekto si Iza Calzado na muling gaganap bilang isang ina. Matatandaang gumanap na bilang ina ang dalaga sa teleseryeng A Love to Last. Ayon kay Iza ay mahirap gawin ang karakter na malayo sa tunay na buhay. “I don’t have children in real life. That’s really where the uncomfortable feeling comes from. Kasi feeling ko minsan, tama ba ‘yung emotion na binibigay ko bilang isang ina. Mas ganoon ang iniisip ko versus the vanity aspect of it. That I’m too young to play the role of a mother,” nakangiting pahayag ni Iza.

Dalaga pa ang aktres at wala umanong problema kung napapadalas ang pagganap niya bilang isang ina. “At the end of the day, I am an actress. And part of that is, you know, playing, doing a role, performing. It doesn’t matter whether or not I have a child. I should be able to find a way to be able to play the role as a mother. I should at least try. Kasi honestly, after Angelica Panganiban played the mother of Daniel Padilla (sa Pangako Sa ‘Yo) and Jodi (Sta. Maria) for Kathryn (Bernardo), naisip ko na wala akong karapatang magreklamo at trabaho po ito at maganda ang role,” paliwanag ni Iza.

Ejay at Erich, napag-uusapan na ang pag-aasawa

Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Tatlo ang karater ng aktres dito at isa sa mga katambal ni Erich ay si Ejay Falcon.

Ayon sa aktor ay talagang napahanga siya sa ipinapakitang dedikasyon ni Erich sa trabaho. “Lahat kami dito ay tagahanga niya ngayon kasi nakaka-inspire siya. Iba ‘yung energy ng isang babae at lalaki physically. Nagti-taping kami hanggang madaling araw, papalit-palit siya ng character (bilang Carrie, Erika at Agatha) pero ginagawa niya nang maayos ang character niya nang walang­reklamo,” pagbabahagi ni Ejay. 

Mag-iisang dekada na ang nakalilipas mula nang magkatambal ang aktor at si Erich sa teleseryeng Katorse kaya mas malalim na ang kanilang samahan ngayon. “Dati kasi hindi kami nag-uusap sa mga bagay-bagay na malalim, mga personal. Pero ngayon napag-uusapan na namin. Umaabot pa kami sa point na after ilang years, magsipag-asawa na tayo. Oo, ‘yung mga gano’n na ang napag-usapan na namin,”  kwento ng binata. “Pati sa mga business napag-uusapan na rin namin. Nakakatuwa kasi itong ginagawa namin na project, nakabuo kami ng mas mature, solid na pagkakaibigan,” dagdag pa ni Ejay. 

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with