^

PSN Showbiz

Gwapong actor at magaling na aktres, nagtikiman sa dalampasigan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Rumehistro ang kakaibang klase ng ngiti ng isang kilalang lalaking personalidad nang masilip niya sa TV ang isang maganda at magaling na aktres.

Maraming nakapansin sa male personality na guwapo pa rin hanggang ngayon, hindi lang tingin ang ipinukol niya sa aktres na umaarte sa isang serye, titig talaga ang kanyang ginawa.

Kuwento ng isang source na katabi lang ng male personality, “Bakit, nagbalik na naman sa alaala mo ang masarap n’yong nakaraan ni ____(pangalan ng magandang female personality)?

“Parang inaalala mo na naman ang nangyayari sa inyo habang nagsu-shooting kayo ng isang movie sa may dalampasigan? Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin nakakapag-move on?” tukso ng katabi ng male personality.

Nagkatawanan ang magkakaumpukang personalidad, alam din kasi ng mga nandu’n kung ano ang naganap sa male personality at sa magandang aktres, ganito raw ‘yun.

Kuwento ng impormante, “Ang shooting, e, sa isang malayong probinsiya na malapit lang sa dagat ang location nila. Sila ang magkatambal sa pelikula. Pareho silang malungkot nu’ng mga panahong ‘yun!

“Si girl, problemado sa lovelife niya, nabuking niya kasi na may ibang babae ang husband niya, artista rin, kaibigan pa nga ng family nila. Natural, galit na galit ang girl!

“Ang male personality naman, e, may problema sa mommy ng girlfriend niya! Ayaw sa kanya ng biyenan niyang hilaw, kontrang-kontra sa kanya ang mommy ng girlfriend niyang magandang young actress!

“Nu’ng mga unang araw ng shooting, e, wala lang, deadmahan lang sila, kani-kanyang cottage na sila pagkatapos ng shoot. Pero nu’ng nakakailang araw na sila sa set, e, mukhang nagkakaigihan na ang dalawa.

“At totoo nga! Nagkasundo ang dalawang pusong malungkot at problemado na daanin sa paglalakbay sa langit ng kaligayahan ang nararamdaman nila.

“Du’n na natulog sa cottage ng girl ang guy, maaga na lang siyang bumalik sa cottage niya dahil maghahanda pa siya sa shooting. Kakaiba ang itsura ng guy, para siyang lumalakad sa alapaap habang nasa buhanginan,”  mahabang kuwento ng aming source.

Habang nasa location sila ay paulit-ulit na nangyari ang kanilang pagsi­siping, pero nang matapos na ang shooting ay hindi na sila nagkita uli, ganu’n kakaswal ang nakaraan ng magandang aktres at ng guwapong aktor.

“Pamilyado na si aktor, maayos ang pagsasama nila ng napangasawa niyang female personality. Si magandang aktres naman, e, paulit-ulit pang nakipagrelasyon sa iba, hindi na siya natuto, hindi na talaga,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ian pinatay na rin 

Ang news anchor na si Cheryl Cosim ang unang-unang nag-text sa amin na nagtatanong, humihingi ito ng kumpirmasyon, kung totoo raw bang namatay sa aksidente sa big bike si Ian Veneracion?

So sad, sabi ni Yeng, kung totoo nga ang kalat na kalat nang balita sa social media. May mga agarang naniwala dahil alam na alam ng marami na nagmomotor talaga ang guwapong aktor.

May bagyo pa naman nu’n, may mga nag-isip na siguro nga ay lumabas ng kanilang bahay si Ian para bumili ng mga pangangailangan nila sa bahay, nagmotor na lang siya dahil laganap ang baha sa Metro Manila.

Nag-check agad kami, tinanong namin si Tita Dolor Guevarra, ang CNN ng aming buhay bilang manunulat. Mabilis ang kanyang sagot, “Not true. Kakakausap ko lang kay Ricky Gallardo, fake news ang lumabas.”

Napabuntong-hininga kami sa pasasalamat dahil maling balita ang kumalat, nu’n lang kami nakasagot kay Cheryl Cosim at sa iba pang mga nang-usisa sa amin, galit na galit sila sa kung sinumang nagpasimuno sa paglalabas ng kuwentong patay na si Ian Veneracion.

Oo nga naman. Wala kayang kunsensiya ang mga taong basta-basta na lang pumapatay sa mga kilalang artista sa social media? Ganu’n na lang ba kadaling gawin ang ganu’n kawalang basehang kuwento?

Paano na ang pamilya ng kanilang binibiktima? Paano kung may sakit sa puso ang makakatanggap ng balita na patay na ang kanilang mahal sa buhay?

Harinawang hindi gabaan ang mga taong walang kunsensiyang nagpapalutang ng mga balitang patay na si ganito at ganyan. Huwag sana silang ma-karma.

vuukle comment

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with