^

PSN Showbiz

Erich mapapahinga na sa matinding pagod!

Pilipino Star Ngayon
Erich mapapahinga na sa matinding pagod!
Blood Sisters

MANILA, Philippines — Makakapahinga na si Erich Gonzales. Babu na next week sa ere ang The Blood Sisters. Aminado ang Kapamilya actress na physically and emotionally draining ang naging karanasan niya sa pagganap sa tatlong character nina Agatha, Carrie and Erika.

Maalalang sa sobrang pagod ay inatake pa siya ng hika sa taping.

Pero ayon sa aktres, lahat ng pagod ay nasulit dahil mataas naman ang naging rating nila.

Kuwento niyang halos 24 hours silang nagta-trabaho para sa nasabing series na hindi nga naging madali para sa kanya. “Hindi talaga po biro ang hirap. Puyat at pagod talaga kami. Hindi lang po ako, lahat kami sa show,” sabi ni Erich sa finale presscon ng The Blood Sisters the other night. Hindi umano siya nagre-reklamo, nagpapasalamat pa nga raw siya at nairaos niya ang tatlong character na bihirang opportunity sa isang artista. Eh ginagawa niya pa noon ang pelikulang We Will not Die Tonight kung saan umaatikabo rin ang action kaya talaga sigurong sobrang pagod ang naranasan niya.

Anyway, magkakaiba naman kasi talaga ang ginampanan niyang character : Hiwalay mang lumaki at hiwalay man ang loob sa umpisa, magkasamang lalaban bilang isang pamilya sina Agatha, Carrie, at Erika (Erich Gonzales) upang iligtas ang kanilang ina sa pagtatapos ng The Blood Sisters ngayong linggo.

Alang-alang kay Adele (Cherry Pie Picache), magsasanib-pwersa ang tatlong mukha at magpapanggap bilang si Agatha mula ulo hanggang paa upang makuha ito mula sa mga kamay nina Rocco (Jake Cuenca) at Fabian (Dante Rivero).

Sa kabila naman ng pagkakadawit ni Agatha sa sindikatong nagpahamak sa kanilang buong pamilya, nagawa siyang patawarin ng kanyang mga kapatid at binigyan ng panibagong pagkakataong patunayan ang sarili.

Ito ang unang beses na nagkasundo ang magkakambal sa iisang hangarin, matapos ipakita ni Adele ang pagmamahal sa anak nang isugal niya ang sariling buhay mapalaya lang si Agatha mula sa sindikatong nagbabantang ubusin ang kanilang pamilya.

Pagmamahal din ang pinili ni Debbie (Dina Bon­nevie), na pinatawad si Norman (Jestoni Alar­con) sa kabila ng mga kasalanan nito at ginawa pang tulu­ngan ang mag-iina ng asawa na itinuring na niyang pamilya.

Paano uutakan nina Agatha, Carrie, at Erika ang mga tusong kaaway? Mailigtas kaya ng magkakapatid ang kanilang ina?

Mas maaksyon at kapana-panabik na eksena ang dapat na abangan ng mga manonood sa eks­plosibong pagtatapos ng serye na sinubaybayan nang anim na buwan.

Tutukan ang huling linggo ng The Blood Sisters sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with