^

PSN Showbiz

Trillanes hindi pinalampas ang Bitag, pag-apir ng Tulfo Brothers sa Senado, parang teleserye ang dating

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Trillanes hindi pinalampas ang Bitag, pag-apir ng Tulfo Brothers sa Senado, parang teleserye ang dating

Parang teleserye ang pagdinig kahapon ng senado sa alleged anomalous P60 million ad placement ng Department of Tourism sa programa sa PTV4 ng Tulfo brothers na sina Ben at Erwin.

Big news ang kontrobersya dahil kapatid ng Tulfo brothers ang former secretary ng Department of Tourism, si Wanda Teo na inimbitahan para sagutin ang lahat ng katanungan ng mga senador na nag-iimbestiga sa kaso.

Live na napanood sa TV ang Senate inquiry na tinutukan ng madlang-bayan dahil sa palitan ng insulting words ng Tulfo brothers at ni Senator Antonio Trillanes IV.

Hindi pinalampas ng Tulfo bro­thers ang mga emote ni Senator Trillanes laban sa kanila pero maagap sa pag-awat si Senator Dick Gordon na walang kinilingan at pinanigan.

Nagtaka naman ang televiewers sa statement ni Teo na hindi ito aware na may kinalaman sa magazine show na Kilos Pronto ang kanyang kapatid na si Ben. Ang sabi ni Teo, ang Bitag lang ang nalalaman niya na show ni Ben sa PTV4.

Hindi raw siya nanonood ng TV dahil sa kanyang busy schedule at madalas na biyahe. Kung alam daw ni Teo na sina Ben at Erwin ang mga host ng Kilos Pronto, hindi niya pipirmahan ang kontrata para sa DOT ad placement.

“My contract is with PTV4 and DOT. Beyond that, I do not know po kung saan ilalagay ni PTV4 ‘yung ads namin,” ang statement ng ate ng Tulfo brothers.

Hindi tinanggap ni Senator Trillanes ang paliwanag ni Secretary Teo dahil naniniwala siya na dapat kasuhan ng plunder ang magkakapatid na Tulfo.

May mga naintriga nga pala sa pralala ni Ben na kahit magkakapatid sila, hindi close ang Tulfo siblings dahil sa generation gap nila. Naalaala tuloy ng mga tao ang mga sinabi noon ni Mon Tulfo na hindi pabor kay Ben.

Nagmarka sa isip ng madlang-bayan ang pahayag noon ni Papa Mon na “I am supporting Wanda’s fight to clear her name but not Ben’s.”

Dino, higante ang pangarap sa PTV4

Nag-trending kahapon ang Senate inquiry sa dating kalihim ng Department of Tourism at sa kanyang mga kapatid.

Umapir din sa Senate inquiry ang aking friend, si PTV-4 General Manager Dino Apolonio.

Ilang beses ko nang nakausap si Papa Dino kaya alam ko ang matindi na pagnanais niya na mapaunlad ang government-owned television network.

Magaganda at malalaki ang plano ni Papa Dino para sa PTV-4 at sa mga empleyado nito kaya wish ko na maayos na ang problema sa network na pinamumunuan niya.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF TOURISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with