^

PSN Showbiz

Kat De Castro itinanggi ang kita sa pagho-host na kasama ang bf!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kat De Castro itinanggi ang kita  sa pagho-host na kasama ang bf!
Kat

SEEN : Malungkot ang mga supporter ni Erich Gonzales dahil limitado ang bilang ng mga sinehan na paglalabasan ng pelikula niya, ang We Will Not Die Tonight na official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

SCENE: Sinuportahan ni Alma Moreno ang red carpet premiere ng Unli Life ng Regal Entertainment sa SM Megamall noong Lunes.

Mga bida sa Unli Life ang anak ni Alma na si Winwyn Marquez at ang ex-husband niya na si Joey Marquez.

SEEN: Kumpleto ang attendance ng mga anak ni Vhong Navarro sa premiere night ng Unli Life. Si Vhong ang lead actor ng Unli Life na mapapanood sa mahigit isang daan na sinehan sa buong kapuluan.

SCENE: Ngayong gabi ang celebrity screening sa TriNoma cinema ng Signal Rock, ang pelikula ni Christian Bables na itinuturing na isa sa mga underdog sa walong pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

SEEN: Itinanggi ni former Department of Tourism Undersecretary Kat de Castro na may kinita siya bilang host ng travel show na iTravel Pilipinas dahil bawal sa gobyerno ang double compensation. Inintriga noon si De Castro dahil madalas na kasama nito ang boyfriend sa kanyang mga out-of-town trip. DOT-sponsored show ang iTravel Pilipinas na napapanood noon sa PTV4.

SCENE: Hindi natapos kahapon ang senate inquiry kay former DOT Secretary Wanda Teo dahil muli itong ipapatawag para sagutin ang mga akusasyon tungkol sa mga produkto sa Duty Free Philippines na diumano’y ipinakuha niya noong nasa puwesto pa siya.

SEEN: May 20% discount, mula Lunes hanggang Huwebes sa mga ticket na bibilhin ng mga estudyante na manonood ng The Day After Valentine’s, ang acclaimed-movie nina Bela Padilla at JC Santos na kalahok sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino. Valid ang 20% discount mula sa oras ng pagbubukas ng mga sinehan, 10 am hanggang 5 pm lamang.

SCENE: 12eal Love ang pamagat ng 12th anniversary concert ni Ronnie Liang sa Kia Theatre sa October 13. Pronounced as Real Love ang12eal Love or R.L. na initials ng pangalan ni Ronnie.

vuukle comment

KAT DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with