^

PSN Showbiz

Kilalang female personality muntik maluka-luka sa depresyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Walang kasing­ligaya ang isang kilalang female personality dahil sa pagbaligtad ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Akala niya’y habambuhay na lang siyang magdurusa pero biglang dumating sa kanya ang matagal nang sagot sa kanyang mga dasal.

Kuwento ng aming source, “Alam n’yo bang dumating na siya sa point na gusto na niyang magpakamatay? Parang wala na raw kasing saysay ang buhay niya, parang wala namang nakikinig sa mga dasal niya?

“Iniisip lang niya ang mga batang maiiwan niya, maliliit pa kasi, ano nga naman ang mangyayari sa mga anak niya kung panghihinaan siya ng kalooban?

“Nasa dulo na siya ng pag-asa nu’ng biglang dumating ang answered prayers niya. Siya ang hinanap ng matagal na niyang gustong makita, siya ang nilapitan, ibang-iba nga naman ang lukso ng dugo.

“’Yun na ang pinakamaligayang araw sa buhay niya. Para raw siyang luka-lukang umiiyak-tumatawa, hindi niya ma-contain ang sobrang happiness niya,” emosyonal na kuwento ng aming impormante.

Sa ibang bansa na naninirahan ang female personality, may mga pagkakataon daw na nagmamaneho siya, pero wala namang direksiyon ang kanyang mga pagbiyahe.

“Aalis siya ng bahay, maiiwan ang mga anak niya sa partner niya ngayon, magmamaneho lang siya nang magmamaneho. Nakakapag-cross state siya nang hindi niya namamalayan dahil iba ang laman ng utak niya.

“Imagine, takbo lang siya nang takbo, nakarara­ting siya sa malalayong lugar nang hindi niya alam kung nasaan na siya. Umabot siya sa ganu’n dahil sa sobrang depression.

“Kumakain siya nang hindi na niya nalalasahan kung anu-ano ang kinakain niya, lunok na lang siya nang lunok. Huwag lang hindi niya malamnan ng food ang bituka niya. Grabe ang pinagdaanan niya dahil sa paghahanap niya sa mga anak niya!” na­wiwindang na kuwento pa ng aming source.

Ang kuwento ng female personality, lahat ay nakukuha sa dasal, walang panalangin na hindi dinidinig ng Diyos. Kailangan lang maghintay pero ang lahat ng problema ay may katapat na solusyon.

“Napakaligaya na niya ngayon, wala na siyang mahihiling pa, maayos na ang buhay niya, kum­pleto na siya. Bumibiyahe na siya ngayon ng may direksiyon at kasama na niya ang mga anak niyang mahabang panahon niyang hindi nakasama,” pabuntong-hiningang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Reklamo ni Dingdong dapat sagutin ni Coco

Kailangang linawin-sagutin ng art department ng Ang Probinsyano ang reklamo ni Dingdong Dantes tungkol sa mga larawan nilang mag-anak na ginamit na props sa serye ni Coco Martin.

Dapat pangutan ng art department ang dalawang beses na paggamit ng serye sa retrato nina Dingdong at Marian Rivera nang ikasal sila pati ang retrato nilang mag-anak nang binyagan ang kanilang anak na si Zia.

May dahilan ang pagrereklamo ni Dingdong. Balido ang kanyang hinaing. Ang paggamit ng anumang bagay na pag-aari ng iba ay kailangang ipinagpapaalam.

Sa departamento nga ng news, kapag may mali silang nailabas na retrato ng kahit sino na mali, ay may katapat na paliwanag at panghihingi ng paumanhin.

Nakakalungkot isipin na nang dahil sa pagpapabaya ng ibang tao ay nakakaladkad ang pangalan ng Ang Probinsyano. Pinakamalakas pa naman silang serye na sinusu­baybayan na nang halos tatlong taon. Walang nakatatalo sa kanilang palabas, ma­rami nang nagtangka, pero lahat ay nabigo.

Pagkatapos ay ganyan. Kinatamaran ng art department ang paggamit ng mga props na siyempre’y papalagan ng may-ari. Ginamit nang walang pakundangan. Ni hindi nag-ingat, kaladkad tuloy ang serye sa pangkalahatan, samantalang isang departamento lang naman ang gumawa.

Pinalitan ang mukha nina Dingdong at Marian pero markado naman ang kanilang kasuotan. Dinoktor ang mukha nila at pinalitan ng iba, pero ang mukha naman ni Zia ay nakatambad, sino nga naman ang hindi sasama ang loob sa ganu’ng kapabayaan at kawalan ng respeto?

Isang paumanhin ang hinihintay ngayon ng buong bayan mula sa produksiyon ng Ang Probinsyano para kina Dingdong at Marian.

Dapat lang.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with