^

PSN Showbiz

Mariel mas gustong maging kontrabida

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mariel mas gustong maging kontrabida
Mariel

Tapos na palang gawin ni Mariel de Leon ang remake ng pelikulang Patayin sa Sindak si Barbara. Dinirek ang pelikula ni Chris Castillo, anak ng batikang director na si Celso Ad Castillo. After this movie ay sisimulan na agad niya ang movie sa Regal Films with Sophia Andres and Enzo Pineda. May two-movie contract siya with Regal Films.

Nauna na siyang may ginawang indie mo­vie, ang Latay, na hindi pa napapalabas sa mga sinehan.

So far nai-enjoy na ni Mariel ang acting job. Unlike before na parang adamant siya sa showbiz.

At ang unang masaya sa nangyari, ang daddy Boyet de Leon niya na  siyempre ay isang award winning actor.

At mas masaya si Mariel dahil siya ang kauna-unahang digital cover ng FHM.

Kuwento ng beauty queen, wala namang naging problema sa parents niyang si Boyet and Sandy Andolong. May ilang kondisyon silang nilatag like ‘wag masyadong exposed na kahit sexy but classy. As in hindi bastos ang dating.

Nasunod naman ang hiling ng kanyang mga magulang. Disente ang pagiging sexy ng former Binibining Pilipinas International. Gilid lang ng boob ang nasilip pero walang dating na kalaswaan. Malinis at classy ang resulta ng pictorial.

Wala pang boyfriend si Mariel. No lovelife daw muna at gusto muna niyang tutukan ang career.

Bukod sa pelikulang natapos na at sa FHM cover, gusto niya ring gumanap na kontrabida sa teleserye. ‘Yup kung bibigyan siya ng chance, mas gusto niyang maging kontrabida ‘yung tipong kabubuwisitan ng mga manonood.

Wala siyang contract either sa Kapamilya or Kapuso Network so kung sino ang unang mag-o-offer dun siya.

Graduate ng Culinary si Mariel sa New Zealand kaya may fallback naman talaga siya.

Anyway. Going back to Patayin sa Sindak... hindi niya napanood ang dalawang original version nito na pinagbidahan nina Susan Roces and Lorna Tolentino.

Ito ay para maiwasan na magkaroon siya ng pattern sa pelikula. Nang basahin niya raw kasi ang script ng pelikula na ang original na nagdirek ay si direk Celso Ad Castillo, nagustuhan na agad niya kaya mabilis niyang ginawa.  Ipalalabas ang Patayin sa Sindak sa iFlix.

vuukle comment

MARIEL DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with