Edu
Edu
Edu hinahanapan ng talk show
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2018 - 12:00am

Nami-miss na ng fans

Totoo ang opinyon ng fans na nakaka-miss si Edu Manzano bilang host ng isang talk show.

Wish ko lang, bigyan uli si Edu ng talk show ng mga television network management dahil napakahusay niya na host at talagang naturally funny and witty siya.

Si Edu ang buhay ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil masaya siya na kasama at katrabaho.

Walang dull moment kapag nasa set si Edu kaya ramdam na ramdam ng cast ang absence niya kapag wala siyang taping.

Isa si JC Santos sa saludong-saludo kay Edu dahil sila ang madalas na magkasama sa mga eksena ng Ang Probinsyano.

Maraming natututunan si JC mula kay Edu tungkol sa professionalism, dedication sa work at magaling na pakikisama sa lahat, sa mga co-star at sa production crew na mahal na mahal siya.

Subok na ang husay ni Edu, hindi lamang sa hosting kundi pati na rin sa acting. Very versatile siya dahil puwede siya na gumanap na bida at kontrabida.

Pero kahit kontrabida ang role ni Edu, hindi nagagalit sa kanya ang televiewers dahil alam nila na hindi ganoon ang ugali niya sa tunay na buhay. Tanggap ng fans na kontrabida lang si Edu sa mga role niya sa pelikula at teleserye pero hindi sa real life kaya mataas ang respeto sa kanya ng lahat.

Marian sinikreto ang birthday wish

Belated happy birthday kay Marian Rivera na nag-celebrate kahapon ng 34th birthday sa Sunday Pinasaya.

Hindi sinabi ni Marian ang birthday wish niya pero parang wala na siyang mahihiling pa dahil almost perfect ang takbo ng buhay niya.

Maayos ang takbo ng showbiz career ni Marian at may loving husband siya at cute na cute na anak.

Inaanak ko sa kasal sina Marian at Dingdong Dantes. Good health at more blessings ang mga birthday wish ko kay Marian na isang mabuting asawa at responsible mother.

Iza last birthday na single

Birthday din kahapon nina Iza Calzado at Enzo Pineda na dating mga Kapuso star pero nag-ober da bakod na sa ABS-CBN, many years ago.

Thirty six years-old na si Iza at 28-years old si Enzo na parehong malapit sa akin dahil nababaitan ako sa kanila.

Last birthday na ni Iza bilang single dahil magpapakasal na sila ng kanyang fiancé na si Ben Wintle bago matapos ang 2018.

Si Enzo naman, may non-showbiz girlfriend pero matagal pa bago lumagay sa tahimik dahil marami pa siyang pangarap sa buhay.

Isa si Enzo sa mga aktor na magalang, disente, napakabait at may respeto sa kapwa. Maganda ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.

Nasangkot si Enzo sa mga showbiz intrigue at controversy pero never natin siya narinig na nagsalita nang masama laban sa kapwa o sa mga naninira sa kanya. Iba talaga kapag edukado at gentleman ang isang tao dahil hindi sila nagpapaapekto sa mga negative na ganap sa paligid nila.

Mark mas sumaya nang maging malaya

Nag-celebrate naman ng 35th birthday noong August 10 si Mark Bautista.

Meaningful at memorable ang kay Mark  ang recent birthday dahil  ipinagtapat niya  sa publiko noong February sa pamamagitan ng kanyang biography book na Beyond the Mark ang tunay na sexual orientation.

Ibang klase ng freedom ang na-feel ni Mark nang isiwalat nito sa mga tao ang pagiging bisexual niya at wala siyang pagsisisi sa kanyang ginawa.

EDU MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with