Beauty
Beauty udlot ang pagiging kapuso
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

PIK: Marami ang na-impress sa pagdya-judge ni Christian Bautista sa The Clash dahil maayos niyang naipaliwanag kung sino ang pinili niya. Marami ang nag-a-agree sa talk points niya at sa pagbibigay ng tips sa mga contestant kaya may natutunan din ang mga manonood sa tamang pagkanta.

Pero tsika sa amin ng The Clash host na si Regine Velasquez-Alcasid, dumadating din daw sa puntong hinihingan siya ng suggestion kung sino ang dapat piliin sa mga clasher.

“They usually asked me. I don’t normally tell them kung sino ‘yung choice ko but I tell them kung ano ‘yung opinion ko about the two singers. Sasabihin ko ‘yung si ganito ganyan..kasi ako lagi akong may criteria for judging.

“Siyempre singing contest dapat pa ring pagandahan pa rin ng kanta, pali­nisan ng pagkanta,” sabi ni Regine.

Ngayong nasa second round na ang The Clash, mas kaabang-abang daw pagdating ng third round.

PAK: Totoo kayang hindi na matutuloy si Beauty Gonzales sa GMA 7?

Nag-guest na siya noon sa Celebrity Bluff kaya napabalitang pipirma na raw ito sa Kapuso network. Pero wala na kaming nabalitaan pagkatapos nun.

Ang latest lang na nabalitaan namin, umalis na raw ito sa management group ni Arnold Vegafria, at nagpa-manage daw  sa isang kaibigan. Nakatakda na raw itong mag-taping sa Maalala Mo Kaya.

So, paano na ‘yung sa GMA 7 niya?

Naka-text ko lang si Arnold kahapon, ang sabi lang niya, kapi-pictorial lang daw ni Beauty sa kanya. Pero wala naman siyang sagot kung umalis na o aalis pa lang ba sa poder niya si Beauty.

BOOM: Bukas ng gabi na ang awards night ng Cinemalaya 2018 at matunog na si Glaiza de Castro raw ang magbi-Best Actress sa magaling niyang performance sa Liway. Pero malakas din si Iza Calzado ng Distance, si Perla Bautista ng Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon, at ang batang si Miel Espinosa ng Pan de Salawal.

Sabi naman ni Glaiza, ayaw na niyang umasa. Sapat na raw ang mainit na pagtanggap sa pelikula nila, at sa kanya ipinagkatiwala ang kuwento ni Liway na ina ng direktor na si Kip Oebanda.

Naiyak pa siya pagkatapos mapanood ang pelikula dahil dun daw niya na-realize na kaya naman pala niyang gawin ito sa gitna ng halos araw-araw na taping niya sa Contessa.

Tumatalakay ang pelikula sa kuwento ni Liway na isa sa mga nahuli nung panahon ng Martial Law at nakalaya lang pagkatapos ng EDSA revolution.

Nag-chant ang mga estudyante sa loob ng CCP na tila nabuhay muli ang diwa nila sa pagiging makabayan.

BEAUTY GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with