Ellen
Ellen rumarampa-rampa na naman
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lumalabas na raw uli si Ellen Adarna ayon sa isang source. Diumano ay nagma-malling na ito sa Cebu kasama ang mga kaibigan.

Nasa hitsura raw talaga ng dating sexy actress na nanganak ayon sa isang nakakita sa kanya. Medyo malaman pa raw ito at malaki pa ang boobs na indication na katatapos lang magluwal ng bata.

Wala pa ring inaamin si Ellen at ang partner niyang si John Lloyd Cruz tungkol sa umano’y panganganak nito last month.

Goodbye Ms. Rhose...

Ang amin pong pakikiramay sa pamilya ni ate Rhose B. Hicaro of Cinema Evaluation Board secretariat.

Kasalukuyang nasa Evergreen Memorial Garden & Cremation (C. Raymundo Ave., Pasig, Metro Manila) ang mga labi ni Ms. Rhose.

Biglaan ang pagkawala ni Ate Rhose na siyang nagtatawag sa members ng CEB para sa mga naka-schedule na CEB review.

Last Monday ay pumasok pa siya. As if walang nararam­dang kakaiba matapos maglagi sa hospital ng ilang araw. Kumain pa at sandaling pumasok sa Cinematique Manila kung saan nagre-review/nagri-rate ang CEB members. Paglabas namin after the second film, nakita namin siyang unconscious at inatake raw. Dinala sa malapit na hospital sa Manila Doctors pero hindi na nagkamalay. At kahapon ng 11:00 a.m, tuluyan na siyang namaalam.

Hindi nagpabaya si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair and CEO Liza Diño sa nangyari kay Ms.Rhose. Kahit nung time na nasa hospital ito ay hands on si Ms. Liza. Ang FDCP ang main agency ng CEB.

Rest in peace Ms. Rhose. And again deepest sympathy sa kanyang naiwang pamilya.

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with