May edad na sexy actress, aminadong naikama ng 5 bus na lalaki nung kagandahan pa
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2018 - 12:00am

Kapag nakakargahan ng mga sulsol at kantiyaw ang isang may edad nang sexy actress ay para siyang makinang kalilinis-kalalangis lang sa kadaldalan. Lahat-lahat ay ikinukuwento niya, wala siyang pakialam kesehodang mapahiya siya, ganu’n siya katotoo sa kanyang sarili.

?Ayon sa may edad nang sexy star, kung isasakay raw sa bus ang mga lalaking nakasiping niya sa kaligayahan ay kailangan niyang umarkila ng limang sasakyan, baka nga raw kapusin pa ang mga upuan.

?Kuwento ng aming source na minsang nakakuwentuhan ng female personality, “Nakakaloka ang mga revelations niya, wala siyang takot, pinapangalanan talaga niya pati ang malalaking tao sa lipunan na nakachurvahan niya!

?“May politician, may mga businessmen, may mga artista, ang dami-dami! At kaya n’yo ‘yun? Kung minsan kuno, e, tatlong kliyente ang nakakasiping niya? For a fee, siyempre, dahil ‘yun ang trabaho niya!

?“Hindi nga raw magkakasya sa limang bus ang mga nakabiyahe na niya sa kaligayahan. Iba-ibang klaseng tao at ugali raw ang pinakibagayan niya, kumita lang siya!

?“Wala na raw maitatago sa kanya ang mga lalaking kung pumorma, e, para bang gifted sila, dahil alam na alam niya pa rin hanggang ngayon kung gaano kalaki at kaliit ang kanilang mga kargada!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

?Naniniwala ang may edad nang sexy star na kung sinisimsim ng mga parukyano niya ang kanyang katawan ay kailangan din niyang may makasama sa kama na sariwang-sariwa ang edad at bulto ng katawan.

?“Marami na siyang naka-lovemaking na artista, medyo may edad na ang iba, pero may mga bagets din siyang naikama. Baligtad nga, e! Siya ang nagkakama sa mga mhin at hindi siya ang ikinakama.

?“Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang ilang ulit nilang giyera sa kama ng isang dating young actor na napakaguwapo na, e, ang linis-linis pa sa katawan. Talagang nagmistula raw siyang metro aide nu’ng magchurvahan sila ng bagets actor pa nu’n!

?“Napaka-flawless daw kasi ng bagets, mamula-mula pa ang mga daliri sa paa, at siya raw ang makapagpapatotoo na napakasuwerte ng bagets sa pagkakaroon ng malaking sandata!

?“Hay, naku! Kung ikuwento niya ang mga nakaraan nila ng bagets actor, e, para siyang nangangarap. At marespeto kuno sa kama ang dating young actor na medyo nadagdagan na ang timbang ngayon pero napakapogi pa rin!

?“Pogi, ‘yun ang tawag niya sa male persona­lity, ang pogi-pogi daw kasi niya at talagang walang kadumi-dumi sa katawan. Pogi pala, ha? Katunog ng kanyang name?” tawa nang tawang kuwento pa ng aming source.

?Ubos!

Nagpapahirap kay Coco, tinigok na

Sa wakas! Namatay na rin si Homer Adlawan, ang napakasarap pataing si Alakdan, ang isa sa mga kontrabida sa Ang Probinsiyano.

?Tapos na ang partisipasyon ng magaling na si Jhong Hilario sa serye dahil habang tinatambakan ng Barangay Ginebra ang SMB nu’ng Miyerkules nang gabi ay pinatay naman ito sa bugbog at saksak ni Ricardo Dalisay.

?Pinalakpakan ng manonood ang kanilang upakan na walang humpay, nakangising pinahirapan muna ni Alakdan si Coco Martin, pero tulad sa mga pelikula ng namayapang Hari Ng Aksiyon na si FPJ ay muling nakapag-ipon ng lakas ang bida para tapusin ang buhay ng napakasalot ng lipunan na si Homer Adlawan.

?Nang saksakin ni Cardo si Homer sa pamamagitan ng basag na bote ay hindi na ito nakabangon pa, nakadilat itong namatay, na ipinagbunyi ng buong sambayanan.

?Mahaba ang role na ginampanan ni Jhong Hilario sa Ang Probinsiyano. Isa ang actor-dancer sa mga personalidad na nagbigay ng asim sa palabas, matitindi ang mga naging engkuwentro nila ng bidang si Ricardo Dalisay, pero sa bandang huli ay pinatunayan lang sa istorya na hindi nagtatagumpay ang kasamaan.

?Sinu-sino pa kaya ang mga susunod na mamamatay sa Ang Probinsiyano? Nakalinya na kaya si JC Santos na sagad din ang kasamaan sa kuwento? Sina Edu Manzano at John Arcilla, sisikatan pa kaya sila ng araw, o totodasin na rin sila ni Dalisay?
?Sabi nga ng mga tagasuporta ng Barangay Ginebra, “Suwerte talaga ang gabing ito! Nag-champion na ang Barangay Ginebra, namatay pa si Alakdan!”

?Ha! Ha! Ha! Ha!

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with