Sec Roque
Sec. Roque maraming alam na sekreto ng mga kapitbahay na artista
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2018 - 12:00am

Naglagare ako noong Martes sa presscon ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sa media conference ng Bakwit Boys, ang official entry ng T-Rex Entertainment Productions sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

First stop ko ang presscon ni Secretary Roque na masarap kausap dahil may sagot siya sa lahat ng tanong.

Sobrang talino ni Papa Harry na hindi lamang pampulitika dahil pang-showbiz din siya.

Buhat nang ma-appoint si Papa Harry na tagapag-salita ni President Rodrigo Duterte, araw-araw na napapanood siya sa mga news program at nababasa sa mga diyaryo dahil sa kanyang regular press briefings.

Kahit regular na napapanood niya ang sarili sa telebisyon, type ni Papa Harry na umapir sa Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Puwedeng matupad ang dream ni Papa Harry kapag nakarating kay Coco ang wish niya. Why not? Marami na ang inactive stars na muling nasilayan sa TV dahil tinulungan sila ni Coco na magkaroon ng role sa Ang Probinsyano.

Malay natin, magkaroon ng idea sina Coco at Vic Sotto na bigyan si Papa Harry ng special participation sa filmfest movie nila, ang Jackpot Em Poy; The Puliscredibles dahil tungkol naman sa mga pulis ang kuwento nito. Mga co-producer sina Bossing at Coco ng kanilang official entry sa 2018 Metro Manila Film Festival kaya madali para sa kanila na isingit sa pelikula si Papa Harry na ang daming kuwento tungkol sa mga artista dahil former neighbors niya ang iba.

Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng mga artista para hindi sila mag-worry na baka may ni-reveal si Papa Harry tungkol sa mga secret nila dahil wala naman talaga.

Direk Jason salpukan ang dalawang A movie sa PPP

Ang presscon ng Bakwit Boys ang next stop ko at dito ko uli nakita ang direktor na si Jason Paul Laxamana.

Sosyal si Jason dahil dalawa ang pelikula niya na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Bakwit Boys at ang The Day After Valentine’s na parehong binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.

Hindi isyu kay Jason na magkalaban sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang kanyang mga pelikula dahil magkaibang-magkaiba ang genre ng mga ito.

Love story ang The Day After Valentine’s at inspirational movie ang Bakwit Boys na pinagbibidahan ng mga baguhang aktor na sina Ryle Santiago, Nikko Natividad, Vance Larena at Mackie Empuerto.

Magaling na direktor at writer si Jason na hindi nakapagtataka dahil may nakapagsabi sa akin na hango sa mga tunay na karanasan niya ang mga kuwento at karakter ng kanyang mga pelikula.

Sarah hirap nang maging mabait

May nagkuwento sa akin na straight from the heart ang mga sagot ni Sarah Geronimo sa presscon ng Miss Granny kaya na-realize ng mga nakausap niya na malaki na ang ipinag-mature ng singer-actress na favorite ko.

Nagkuwento si Sarah ng mga life lesson na kanyang natutunan habang ginagawa niya ang Miss Granny tulad ng mahirap maging mabait dahil sa rami ng mga nangyayari sa paligid.

“Everytime na may nababalitaan ako na someone passed away, kahit hindi mo kamag-anak, kahit na acquaintance lang o family friend, yun ang reminder kung gaano ka-temporary ng buhay ng tao dito sa mundo so dapat wala nang time for hatred, dapat wala nang time for inggit…

“Live your life. Mag-focus ka sa sarili mo, maging masaya ka and of course, do your best to be a good person.

“Ako ang struggle ko po, ang lagi kong nasasabi, ang hirap maging mabait.Ang hirap maging masunurin, hindi lamang sa mga magulang mo kundi maging masunurin sa Diyos pero bumalik at bumalik ka kung paano ka Niya dinisenyo,” ang sabi ni Sarah na kapupulutan ng aral ng lahat.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with