Young actress ‘nabiktima’ ng mga nakapaligid sa BF na may dyowang beki
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2018 - 12:00am

Malaking aral ang napulot ng isang young actress sa naganap na paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na young actor. Marami siyang natutuhang leksiyon, mag-iingat na siya sa mga susunod na araw, dahil marami siyang napatunayan.

?Una, alam na niya ngayon na hindi lahat ng kangitian niya sa linya ng trabaho ay kaibigan niya, may mga nakangiti sa kanya pero kayang-kaya naman pala niyang siraan nang talikuran.

?Ikalawa, kailangan na niyang piliin ang mga kasamahan niyang puwedeng pagkatiwalaan, hindi pala lahat ng nakakakuwentuhan niya ay marunong magtago ng mga personal na kuwento.

?Ikatlo, lilimitahan na niya ngayon ang pakikipag-usap sa mga taong puwede pala siyang baligtarin, hindi bale nang kakaunti lang ang regular niyang kakomunikasyon basta katiwa-tiwala naman.

?Kuwento ng aming source, “Nakakaawa ang girl dahil lahat na yata ng pinakamasakit na salita, e, natikman niya nu’ng pansamantala silang magkahiwalay ng boyfriend niya.

?“Pinalabas siyang masamang babae, tinawag siyang higad, dahil meron na nga raw siyang boyfriend, pero nakikipagmabutihan pa siya sa ibang lalaki. At hindi basta ganu’n lang!

?“Pinalabas pa siyang kaliwete dahil nakipag-one-night-stand daw siya sa ibang lalaki. Hagulgol nang hagulgol nu’n ang girl dahil wala namang katotohanan ang mga kumalat na kuwento tungkol sa kanya.

?“Nakipagkaibigan lang siya sa ibang guy, pero ang kuwentong lumabas, e, kinaliwa na niya ang boyfriend niya? Kulang pa raw ba ang young actor para sa  kanya, kaya humanap pa siya ng iba?” patuloy ng aming source.

?Alam na ngayon ng young actress kung saan nagsimula ang kuwento ng mga paninira sa kanya. Alam na rin niya ngayon kung sinu-sino ang mga taong kunwari’y nakikipagmabutihan sa kanya pero kaya naman pala siyang wasakin.

?“Sorry na lang sa kanya, kahit nagkabati na sila ng boyfriend niya at okey na sila ngayon, e, nandu’n pa rin ang ugali ng lalaking ‘yun na nagpapaniwala agad sa mga kuwentong nakararating sa kanya.

?“Kung talagang mahal siya ng guy, dapat, e, hindi siya agad-agad naniwala sa mga mapanirang kuwento. Kinausap man lang sana siya ng lalaki bago siya hinusgahan, di ba naman?

?“Bakit, naniwala ba ang girl sa mga kuwentong may karelasyon siyang beki? Stop me (tantanan ako!)!”pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Mocha hindi matibag sa sinasandalang pader

Ngayon siguro, magmura man nang magmura si Asec Mocha Uson sa mga nilalabas niyang video ay wala nang masyadong magbibigay sa kanya ng atensiyon.

?Mangangawit na ang mga daliri ng kanyang mga bashers, magtitikom na lang ng bibig ang mga kababayan nating nababastusan sa kanya, dahil kahit ano naman palang reklamo ang gawin ng buong bayan kontra sa dating sexy singer-dancer ay ayos lang sa Palasyo.

?Tulad ng pambabastos na ginawa nila ng isang komedyante tungkol sa usapin ng pederalismo na ginamitan nila ng mga salitang pepe at dede.

?Umalsa sa kanilang upuan ang mga senador na nagsusulong sa federalism tungkol sa bastusang video ni Asec Mocha, naglabas sila ng komentong negatibo, pero ano ang nangyari?

?Ayon sa Malacañang, sa pamamagitan ng boses ni Secretary Harry Roque, ay wala naman silang nakitang kabastusan sa video. ‘Yun daw ang alam na atake ni Asec Mocha, sarili niyang balwarte ang pinaglabasan niya ng video, kaya walang kahit sinong makapipigil sa kanyang gawin ‘yun.

?Karapatan daw ni Asec Mocha na maglabas ng sarili niyang interpretasyon, kaya walang bastos sa kanyang ginawa, depende lang daw naman ‘yan sa pananaw ng nanonood.

?Natural, kasinglaki na naman ng banyera ang ulo ngayon ni Aling Mocha. Imagine nga naman, mismong ang pangulo na ng ating bayan ang nagsasabing walang mali sa kanyang inilabas na video, may sumalo na naman sa kanya.

?Ngayon siguro, kahit pa nakahubad na maglupasay si Asec Mocha Uson sa susunod niyang video ay wala nang papansin sa kanya, magpapansin man siya ay hindi na magiging epektibo sa inis ng bayan dahil tama pa rin naman pala siya sa kanyang mga ginagawa.

?Iba na nga naman ang nakasandal sa pader. Hindi nabubukulan.

MOCHA USON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with