Bea Rose
Bea Rose malala ang sakit sa kidney
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2018 - 12:00am

Nakuha sa paggi-gym

Na-damaged ang kidney ni 2013 Miss International Bea Rose Santiago dahil sa iniinom niyang pre-work out na hindi binanggit kung anong klase.

Ayon kay Bea, na-detect ang sakit niya matapos siyang atakihin ng matinding migraine at isugod siya sa hospital bagama’t nung bata pa na naman daw siya ay mahina na talaga ang kidney niya.

Sa unang bahagi ng kanyang Instagram stories:“Yes, I’m sick. Since I damaged my kidneys when I was younger. My kidneys are more sensitive than a normal later 20s healthy woman.

“I can’t overdo things and I just found out. Came to the hospital with my severe migraines and we found out something potentially more dangerous.

“I’m thankful but at the same time really scared,” pagkukuwento niya.

Pagpapatuloy pa ng beauty queen: “Guys, if you take pre-workout and other heavy workout, please be careful!

“Apparently there are many more like me. We damage our kidneys because of our gym life.

“Before you do or change your diet or drink something make sure you don’t have bad health history problems!

“Always ask your doctors!,” paalala pa niya sa IG stories  na wala na ngayon. Twenty four hours lang tumatagal ang mga post sa IG story.

Lutang na lutang ang kaseksihan ni Bea Rose sa kanyang IG account kaya naka­kagulat naman na may iniinom pala siyang ganun.

Ilang araw din siyang namalagi sa hospital at namaga ang kanyang katawan kaya naman nakaramdam siya ng takot.

Binigyan na rin siya ng diet para sa chronic kidney disease na kanyang pinagdaraanan.

Get well soon Ms. Bea.

BEA ROSE SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with