JC
Bela at JC magkapatid lang ang peg
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2018 - 12:00am

Wala palang aasahang romansa sa pagitan nina JC Santos at Bela Padilla na kalulungkutan ng maraming supporter nila. Malakas ang chemistry ng dalawa kaya nagkaro’n ng follow up ng The Day After Valentine’s ang matagumpay nilang pagsasama sa 100 Tula Para Kay Estela.

Pero, hindi pa man naipapalabas ang TDAV ay na-friend zone na ang dalawa at dito muna sila mananatili. Mabibigo ang lahat ng follower nila na malaman na walang pag-iibigan o kasalan na magaganap sa pagitan nila. Nawalan din ng saysay ang bakasyon ng dalawa sa Hawaii na inaasahan ng mga tagasubaybay nila ay mas maglalapit sa kanila. Naging closer nga sina JC at Bela pero, hanggang sa punto lamang ng pagiging parang magkapatid  at hindi bilang magkasintahan. Tsk. Tsk. Tsk.

Ronnie kaisa  nina Anne at Erich

Tuluy-tuloy na ang pagbabalik sa pelikula hindi lamang ni Ronnie Ricketts kung hindi maging ng kanyang Rocketts Productions. Magkatulong nilang itataguyod ng maybahay niyang si Mariz ang pagpo-prodyus muli ng mga pelikula na magsisimula sa Tuldok, Wakas o Simula na magtatampok sa isang international cast, mula Australia, Nigeria, Jamaica, Korea at Pilipinas.

Si Ronnie mismo ang nagsulat ng istorya at gumawa ng script ng pelikula, na ididirek niya at tatampukan din kasama sina Jackielou Blanco, Renzo Cruz, Alvin Anson, Neil Perez, Jerico Estregan at marami pa. Kuwento ito ng 12 bilanggo sa isang correctional facility na dinala sa isang lihim na lugar para paglaban labanin para makamit nila ang kanilang kalayaan.

Kasama rin sa cast ang dalawang anak na babae ni Ronnie na parehong magaling sa martial arts, si Rachelle na bihasa sa arnis at boxing at si Marella na maalam sa Muay Thai.

Ang aktor na matagal nang absent sa pelikula dahil naka-base na sa US na si Edgar Mande ay umuwi para lamang gawin ang pelikula. Bukod kina Anne Curtis at Erich Gonzales, kabilang na si Ronnie na umaasam na maibalik ang action genre sa local films.

BELA PADILLA JC SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with