PBA player tinanggap uli ang asawang sumama sa ibang lalaki at lumimas ng kanyang ipon
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2018 - 12:00am

PIK: Mamayang 3:30 ng hapon hanggang 5:25 ay magkakaroon ng recap ang Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Ang dami kasing nagparating ng rek­lamo sa GMA 7 na hindi nila napanood nang buo ang pilot episode ng naturang telefantasya dahil sa nagkaroon ng signal interruption sa kanilang lugar.

Kaya dalawang oras nilang mapapanood ang recap ng pilot week nito.

Nakakatuwa dahil nakikita mo talaga kung gaano kamahal si Alden ng mga katrabaho niya.

Karamihan sa kanila ay panay pa rin ang post sa kanilang social media account ng pag-iimbita na panoorin ang serye.

Sabi nga ni Alden sa kanyang Twitter; “Slowly…” na sa basa ng kanyang fans, unti-unti ay malalagpasan na nito ang matin­ding katapat dahil lalong gumaganda ang takbo ng kuwento nito.

PAK: Sa August 12 ay magiging bahagi si Robin Padilla sa malaking Job Fair na binuo nina DPWH Secretary Mark Villar kasama ang DOTr Sec. at Vince Dizon ng Bases Conversion and Development Authority.

Tuwang-tuwa nga si Sec. Villar dahil sa active si Robin sa kanilang Jobs Jobs Jobs campaign, at pati na rin sa Build Build Build ng DPWH at DOTr.

Gaganapin itong Job Fair sa SMX.

Bahagi rin daw sa kanilang kampanya si Sen. Manny Pacquiao dahil chairman siya sa committee ng DPWH na kung saan active daw siya sa kanilang mga infrastructure projects

Masaya ring ibinahagi ni Sec. Tugade na active na rin daw sa kanila ang Binibining Pilipinas finalist na si Sandra Lemonon at kasama na ito sa kanilang Build Build Build campaign.

Ani Sec. Tugade; “Ginagawa po namin siyang poster ­image at katulong naman siyang gumagawa ng mga programa. Tumutulong siyang mag-asikaso.”

Alam na alam na raw ni Lemonon ang tungkol sa kampanya nilang ito ng gobyerno dahil tinuruan daw nila ito at dumaan din siya sa intensive training at pag-aaral.

“Ako mismo nagbigay din sa kanya ng idea about build build build at dumaan siya sa mga iba’t bang department namin, at binigyan namin siya ng mga aralin upang maintindihan niya ‘yung aspeto ng transportasyon sa programa ng build build build,” dagdag na pahayag ni Sec. Tugade tungkol sa kandidata ng Binibining Pilipinas na hindi nakasagot nang tanungin sa Q & A ng tungkol sa Build Build Build.

BOOM: Sobrang bait pala nitong sikat na basketball player ng PBA at hinayaan na lang niyang simutin ng asawa niya ang kanyang pera nang magkahiwalay sila.

Ayon sa nasagap naming kuwento, hiniwalayan daw itong si sikat na PBA player ng asawa niya dahil sumama ito sa isang miyembro ng sikat na sikat ding singing group.

Hindi na raw siya umimik kundi hinayaan na lang na iwan siya. Tuloy na lang siya sa paglalaro.

Hindi rin daw nagtagal ang relasyon nung asawa ni PBA player at nung miyembro ng sikat na singing group, bumalik daw itong si babae kay basketbolista.

Tinanggap naman siya nito at nagsama sila uli.

Pero hindi rin nagtagal, naghiwalay na naman sila, at hindi ko lang alam kung may ibang sinamahan na naman itong si babae.

Si PBA player ay may iba na raw karelasyon nga­yon. Kaya lang, parang nagsimula na naman daw siya ng buhay niya dahil tinangay daw ng asawa niya ang halos lahat ng pera ni basketbolista. Kawawa naman.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with