Meteor Garden cast
Serye ni Angel nanganganib sa Meteor Garden!
(Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2018 - 12:00am

SEEN: Tatlong araw na nag-shooting sa Hawaii sina JC Santos at Bela Padilla para sa mga eksena nila sa The Day After Valentine’s pero anim na araw na nanatili sa naturang lugar ang direktor na si Jason Paul Laxamana dahil ito ang naghanap ng location.

SEEN: Ang mahusay na pagganap ni Edgar Allan Guzman sa Pinay Beauty, ang official entry ng Quantum Films sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino. Kunsintidor na lover ni Chai Fonacier ang role ni Edgar Allan sa Pinay Beauty.

SCENE: Nahulaan agad ng viewers ng Kambal Karibal ang mga mangyayari sa huling kabanata na ipinalabas kagabi dahil sa mga Instagram post noong Huwebes ng mga artista ng nagwakas na primetime television series ng GMA 7.

SEEN: Pinag-aaralan pa ng ABS-CBN management kung alin sa The General’s Daughter at sa television remake ng Meteor Garden ang ilalagay nila sa timeslot ng The Blood Sisters na magtatapos sa August 17.

SCENE: Excited si Winwyn Marquez dahil hindi na suporta ang role niya sa Pamilya Roces, ang upcoming television series ng GMA 7. Looking forward si Winwyn na makatrabaho ang award-winning director na si Joel Lamangan.

SEEN: Hindi makapaniwala si Winwyn Marquez na leading lady siya ni Vhong Navarro sa Unli Life ng Regal Entertainment Inc. dahil pinapanood lamang niya noon ang TV host-comedian sa mga kampanya ng kanyang ama, ang former Parañaque City Mayor na si Joey Marquez. Fan si Winwyn ng Streetboys, ang dance group na dating kinabibilangan ni Vhong.

SEEN: First and last movie ni Martin del Rosario bilang gay ang Born Beautiful dahil iniiwasan niya na ma-typecast sa mga gay role.

METEOR GARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with