^

PSN Showbiz

Aktres ayaw makialam sa problema ng karelasyon sa anak sa ibang babae!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ayaw makialam ng aktres sa problema ng boyfriend sa anak nito sa ibang babae dahil ang katuwiran ng aktres, personal na problema ‘yun ng BF at wala pa silang relasyon, problema na ‘yun ng aktor. Kahit mag-suggest sa BF na actor ng dapat gawin, ayaw gawin ng aktres.

Ang laki ng problema ng aktor sa anak dahil ayaw ipakita ng ina nito. Kaya kung inyong napapansin, matagal nang walang pino-post na picture ng anak ang aktor sa kanyang socmed account.

Kapag tinatanong ang aktor tungkol sa anak, sumasagot ito ng totoo, pero nakikiusap na ‘wag na lang isulat para hindi na madagdagan ang problema. Ang sabi lang ng aktor, miss na miss na niya ang anak na dati nahihiram at nadadalaw pa niya, pero ngayon, ayaw nang ipakita sa kanya.

Ang sabi na lang ng aktor, umaasa siya na paglaki ng anak, makikilala pa rin siya nito at hindi pipigilan ng ina nito na makipagkita sa kanya.

DPWH sinigurado ang pagluwag ng trapiko

Narinig ni DPWH Secretary Mark Villar ang “ang trapik” na comment ng press people na naimbita sa mini-presscon niya para magbigay ng update sa mga project ng DPWH. In-assure nito ang press people na within two years, maiibsan ng malaki ang trapik lalo na sa Metro Manila. Dahil ito sa mga ginagawang tulay, daan at infrastructure na nasa ilalim ng Build Build Build program ng administration ni Pres. Rodrigo Duterte.

Nabanggit nito na malaking kabawasan sa trapik na hindi na dadaan sa EDSA ang mga truck na galing sa Port Area dahil sa barge terminal sa Taguig na sila dadaan. Sinegundahan ito ni DOTC Sec. Arthur Tugade na nagsabing hindi lang kalsada ng luluwag, pati negosyo.

In-announce rin nina Sec. Villar at Sec. Tugade ang launching ng Jobs Jobs Jobs sa SMX Convention Center from 8:30am to 4:30pm., ang Build Build Build team ang nasa likod nang trabaho sa mga walang trabaho para mabawasan ang unemployment.

Joey baby pa rin ang turing kay winwyn

Pabor si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez sa sinabi ng amang si Joey Marquez sa presscon ng Unli Life  na sa edad niyang 26 years old, ayaw pa niyang mag-asawa ang anak. Bata pa raw si Winwyn para sa kanya at baby pa ang turing niya rito.

Nag-agree si Winwyn sa ama lalo na at mara­ming opportunity ang dumara­ting sa kanya mula nang maging beauty queen. Bukod sa Unli Life movie ng Regal Entertainment na showing mula August 15-22 at entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, may isa pa siyang gagawing pelikula sa Regal na bawal pang sabihin.

Kasama rin si Winwyn sa cast ng primetime teleserye ng GMA 7 na Pamilya Roces at natutuwa siya dahil hindi na kontrabida ang role niya. Makiki-love triangle siya kina Carla Abellana at Rocco Nacino at excited na siya to work with Joel Lamangan.

Masaya rin ang naging experience niya sa Unli Life dahil nabigyan siya ng chance na mag-comedy, makatrabaho si direk Miko Livelo at maging leading man si Vhong Navarro na dati, pinapanood lang niyang sumayaw noong kasikatan ng Streetboys.

More importantly, masaya si Winwyn to be working with his dad, humanga siya sa ama sa mga eksena nito at lalong humanga nang mag-dubbing.

vuukle comment

JOEY MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with