^

PSN Showbiz

Stars ng Senate at House inaabangan ang pagrampa sa sona red carpet

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Stars ng Senate at House  inaabangan ang pagrampa  sa sona red carpet

Bukod sa gagawing approach ni Direk Joyce Bernal sa live coverage ng State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte ngayong araw, Monday, inaabangan din siyempre ang susuutin ng mga ‘star’ ng Senate and House.

‘Sino’ kaya ang mga Filipiniana na irarampa nila?

Nangunguna sa binabantayan si Sen. Nancy Binay, Heart Evangelista (wife of Sen. Chiz Escudero), Ms. Totsy Angara (wife of Sen. Sonny Angara), Sen. Loren Legarda, Rep. Vilma Santos (wife of Sen. Ralph Recto), Jinkee Pacquiao (wife of Sen. Manny Pacquiao) at inaasahang dadalo si Ms. Helen Gamboa, wife of Senate President Tito Sotto.

Sa Congress, siyempre si Rep. Lucy Torres na laging head turner at stunning.

Though dini-discourage na ang sobrang bongga sa SONA Red Carpet, kahit naman anong pa-low  key hindi nawawala ang mga stand out sa mga rumarampang ‘stars’ ng Se­nate and Congress.

Minsan nga mas marami pa ang nag-aabang sa mga outfit ng mga dadalo sa SONA kesa sa pakikinig sa mga report ng pangulo sa isang taon na nagawa ng Duterte administration.

Ang matindi lang nilang kalaban ngayong SONA, ang malakas na pag-ulan dahil sa nag-uunahang pagpasok ng tropical depression.

ABS-CBN news handang-handa sa sona 2018 special coverage 

At kung inaabangan ang mga outfit sa red carpet ng SONA, siyempre magpapagalingan din ang coverage ng ABS-CBN at GMA 7.

Magsisimula ang SONA special sa ABS-CBN ng 3:30 p.m. kasama si Karen Davila sa studio, habang live na magbabalita mula sa Batasang Pambansa Complex si Willard Cheng. Bukod sa pag-ere ng buong SONA, itatampok din dito ang mga balita at reaksyon bago at pagkatapos ng talumpati ni Pa­ngulong Duterte.

Sa ABS-CBN News Channel, bukod sa live report simula umaga, ipapalabas din ang esklusibong panayam ni Tina Monzon-Palma kay House Speaker Pantaleon Alvarez ng 1:00 pm sa kanyang  Indepen­dence series. Bandang 3 pm sisipa ang SONA cove­rage nila kasama sina Lynda Jumilla, Lexi Schulze, Christian Esguerra, at Karmina Constantino.

Maaga ring magbabalita ukol sa SONA ang Radyo Patrol reporters ng DZMM 630 at DZMM TeleRadyo na may espesyal na edisyon ng Headline Pilipinas kasama sina Julius Babao at Toni Aquino ng 12 nn. Kasunod nito ang SONA Primer nina Ricky Rosales and Johnson Manabat ng 1 pm, habang sina Vic Lima at Gerry Baja naman ang tatao bandang 3 pm at 5 pm. Makakasama rin nila sina Dr. Jean Franco, Prof. Ranjit Rye, at Ding Generoso ng Constitutional Committee na umaaral sa 1987 Constitution upang bigyang linaw ang mga isyu kaugnay ng SONA.

Mapapanood din ang SONA at mga balita mula sa loob at labas ng Batasang Pambansa sa news.abs-cbn.com sa pamamagitan ng livestreaming.

GMA hihirit sa coverage

Mapapanood din ang kabi-kabilang updates na ibabahagi ng GMA News sa Unang Balita ng Unang Hirit.

Pangungunahan naman ni Pia Arcangel sa hapon ang coverage ng SONA ni Pres. Duterte kung saan ilalahad ng Pangu­lo sa buong bansa ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na 12 buwan.

Pagkatapos ng live telecast, abangan ang ilan sa mga pinakaimportanteng kaganapan sa buong maghapon kabilang na ang mga highlight sa speech ng Pangulo at ang mga naglalakihang balita sa loob at labas ng Kongreso. Mapapanood ito sa GMA-7 primetime newscast na 24 Oras at late-night newscast na Saksi, at sa flagship newscast ng GMA News TV na State of the Nation with Jessica Soho.  

Samantala, sa GMA News TV naman ay maaaring mapanood ang SONA updates sa Dobol B sa News TV, News to Go, Balitanghali, News TV Live, Balita Pilipinas Ngayon, at sa News TV Quick Response Team.

 Mapakikinggan din ang mga balita at update sa SONA sa flagship AM Radio station ng GMA na Super Radyo DZBB 594khz.

Maaari namang i-follow ng netizens ang special cove­rage ng GMA News Online sa www.gmanews.tv, kung saan mayroong  comprehensive backgrounders, up to the minute reports, at live stream ng talumpati ni Pres. Duterte.  

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with