^

PSN Showbiz

Aktor na bumabalik daw sa bisyo pumalag sa blind item!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-react ang pamilya ng isang kilalang aktor sa blind item na lumabas sa column na ito kahapon.

Ayon sa aming source, iba raw ang tinutukoy niya sa blind item na iyun at hindi raw itong si aktor. Ewan ko lang ha? Kasi may nabago lang daw sa kuwento kaya ang buong akala nila itong si kilalang aktor.

Pero kahit ano pa man, mabuting linawin na rin dito sa column na itong si kilalang aktor na bida rin sa isang drama series ay nakatira raw sa kamag-anak niya sa isang sos­yal na village sa Quezon City, at hindi sa isang kaibigan.

Nasubaybayan daw ito at tinitiyak nilang hindi na ito bumalik sa dating bisyo.

Ang hirap pag bumalik na sa dating bisyo dahil mahirap na talagang makawala.

Kaya dapat talagang tutukan, dahil magaling pa naman itong si kilalang aktor.

Malaking bagay siguro kung ma-in love siya uli sa babaeng magbibigay ng magandang impluwensiya? Totoo kayang may isang magandang aktres na naghihintay lang daw na ligawan siya nitong kilalang aktor? Hindi kaya nararam­daman iyun ni magaling na aktor?

PAK: Lalong umingay itong pelikulang Jacqueline Comes Home na directorial debut ng anak ni direk Carlo J. Caparas na si Ysabelle Peach.

Ang daming nag-react sa paglalahad ng kuwento na ibinase sa kuwento ng Chiong sisters. May ilang nagbabatikos at sinasabing mas mabuting pano­orin na lang ang documentary film na ginawa ni Michael Collins nung taong 2011.

Kahit nga si Raffy Tulfo ay napakinggan ko sa radio program niyang nadismaya siya sa pelikula ni Ysabelle Peach at mas ini-endorse pa niya ang docu-film. Sana sagutin ito ni direk Ysabelle Peach.

Ang isa sa mga bida sa Jacqueline Comes Home na si Donnalyn Bartolome ang isa sa apektado at siya ang aligaga sa pagsagot sa ilang pumupuna sa pelikula.

Tinatanong siya kung nag-research ba siya nung ginawa ang pelikulang iyun.

Sabi na lang ni Donnalyn, pinagkakatiwalaan niya ang mga taong bumuo nitong pelikula, kaya hindi na niya inalam kung ano talaga ang ending nitong pelikula, dahil ang pagkakaalam niya ang nanay mismo ni Jacqueline ang source nito. May lumabas pa na video na kung saan lalong tinira si Donnalyn.

Well, lalo tuloy kami na-curious na panoorin ang pelikulang ito.

BOOM: Nakatsikahan namin si Kris Aquino sa birthday party ng maybahay ni Ka Tunying Ta­berna na si Rossel Ta­berna sa Mesa Restaurant, Tomas Morato kamakalawa ng gabi.

Nabanggit ni Kris na pagkatapos dun sa birthday ni Rossel ay tutuloy na siya sa Trinoma para daluhan ang pa-screening ng I Love You Hater na ini-sponsor ni Vice Ganda.

Hindi na idinetalye sa amin ni Kris kung paano sila nagkabati ni Vice pero sobrang saya siya nang nalaman niyang binili ni Vice Ganda ang mga natirang ticket sa Trinoma.

Hindi na raw kasi kinayang magpa-schedule ng block screening kaya binili na lang daw ni Vice ang naturang 40 ticket sa Trinoma para makapanood sila at mga kaibigan nito.

Masaya si Kris para sa anak niyang si Bimby dahil na-miss na raw talaga nito ang Tito Vice niya.

Bahagi ng post niya sa kanyang Instagram account; “My bunso never wavered in his LOVE for his Tito Vice @praybeytbenjamin—maybe ngayon maiintindihan nyo na kung bakit nanahimik kaming nakatatanda kahit pilit gustong intrigahin. Because #satruelang we both prioritized this very loving & lovable boy.”

Sa maikling pag-uusap namin ni Kris doon sa birthday ni Rossel, nakita ko kung paano magmahalan ang mag-inang Kris at Bimby. Sa mga kilos ni Bimby, nakikita kong mahal na mahal niya si Kris, at sinusunod niya ang mga payo ng Mama niya.

Mabait at magalang si Bimby kapag kinakausap ko siya na natitiyak kong isa ito sa mga ipinapayo ni Kris sa kanya.

vuukle comment

KA TUNYING TA­BERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with