^

PSN Showbiz

Sarah lutang ang kakikayan sa Miss Granny

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah lutang ang kakikayan sa Miss Granny
Sarah

MANILA, Philippines — Ang cute ng official trailer ng pelikulang Miss Granny starring Sarah Geronimo, Xian Lim and James Reid.

Sa inilabas ng Viva Films sa You Tube lutang ang cuteness and versatility ng character nina Sarah and James. Lalo na nung kumakanta at pangiti-ngiti na si James.

Para ngang tailor made for Sarah ang Miss Granny na adaptation ng hit Korean movie with the same title na ginawan na rin ng maraming version sa iba’t ibang bansa.

Showing na ang movie sa August 22, under the direction of Joyce Bernal na abala ngayon sa paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni President Duterte kung saan siya ang magdi-direk sa Lunes.

Kaya naman super trending agad ito as in no. 1 topic sa Twitter PH.

Hinuhulaan agad ang box office result ng Miss Granny pag pinalabas ito sa mga sinehan next month.

Mommy D nagpapahanap ng bagong endorsement

Nagpapahanap daw si Mommy Dionisia Pacquiao ng bagong endorsement.

Successful ang first endorsement ng mommy ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa isang express padala  na in all fairness naman ay malaki talaga ang naitulong para makilala ito.

Malakas ang dating ni Mommy D kahit saan siya magpunta as in kabi-kabila ang nakiki-selfie kaya naman napapaligiran siya ng santambak na security sa kakatapos na laban ni Sen. Manny sa Malaysia.

Nakabangga kay Kim na bus illegal na tumatakbo

Walang naipakitang kahit isang dukomento ang driver ng nakaatras na bus sa kotse ni Kim Chiu the other night sa EDSA.

Kuwento ng sister ni Kim na si Ate Kam, galing sila ng Makati nang mag-EDSA sila kung saan sobrang traffic kaya naman nakahinto na ang maraming kotse. Pero bigla raw umatras ang bus sa harapan ng sasakyan nila kahit na anong busina ang ginawa nila. “Ending bangga na, now bumababa ang driver namin ang sabi kami pa ang nagbangga kasi nasa likuran kami. Kunin sana ang docs ending wla silang mapakita kahit isang docs kahit drivers license,” kuwento pa ni Ate Kam na naka-viber ko.

Kahit daw company ID wala ang driver at bus mismo.

Jasper Jean transport ang name ng bus na colorum na bumibiyahe.

Thankful na lang sila na kotse lang ang na-damage.

AiAi parang darna sa clash...

Bukod sa patalbugang boses sa newest singing competition ng GMA 7 na The Clash hosted by Regine Velasquez, ang pasabog na outfit ng isa sa mga judge na si AiAi delas Alas ang tiyak na aagaw ng eksena.

Nang dumalaw kami sa taping days ago, mala-Darna ang outfit ni Ms. Ai.

At pa-sample pa lang daw ‘yun, marami pang inihahandang outfit para sa kanya.

Any how, hindi na affected si AiAi kung may mga namba-bash sa kanya bilang judge ng The Clash. Kesyo raw kasi hindi siya de caliber singer like Lani Misalucha and Christian Bautista so ano raw karapatan niyang mag-judge. “Madali lang delete and block. Ayoko nang ma-stress sa ganyan,” statement niya.

Pang-second week na ng The Clash na nagiging intense na ang labanan ng mga clashers at nagustuhan ng viewers ang theme song ng programa na pinamagatang  Mangarap Ka, Laban Pa na kinanta at kinompose ng Filipino singer, rapper at songwriter na si Quest.

Kahapon at ngayong Linggo, hinihintay pa rin ng natitirang 30 contestants ang kanilang kapalaran ngayong nabawasan na nga ang bilang ng Clashers matapos ang intense One-on-One battles.

Hindi alam ng natitirang Clashers kung kailan sila matatawag para lumaban o kung sino ang makakalaban nila sa The Clash Arena. Sa pagliit ng kanilang chance na makapasok sa susunod na round ay ang mas tumitinding pressure para sa kanilang performance.

Sino kaya ang makakakuha ng boto nina Comedy Concert Queen AiAi, Asia’s Romantic Balladeer Christian at Asia’s Nightingale Lani?

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with