^

PSN Showbiz

Juliana matutupad na ang pangarap ng ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juliana matutupad na ang pangarap ng ina
Juliana

Mag-iisang buwan na ang nakalilipas mula nang tanghalin bilang kauna-unahang Miss Q & A ng It’s Showtime si Juliana Parizcova Segovia.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin halos makapaniwala ang title holder sa tagumpay na kanyang nakamit. “Grabe! Ilang araw po ako talagang hindi nakakatulog, kapag nakikita ko ‘yung crown, umiiyak pa rin ako,” bungad ni Juliana.

Masayang-masaya ang Miss Q & A grand winner dahil mabibigyang-katuparan na ang pangarap ng ina na magkaroon ng sariling bahay ngayon. Mahigit dalawang dekadang nagtrabaho bilang domestic helper sa Hong Kong ang ina ni Juliana at nangarap makapagpundar ng bahay noon pero hindi ito natupad. “’Yung tagal ng nilakbay niya sa pagiging OFW (overseas Filipino worker) para magkaroon kami ng sariling bahay at lupa, ‘Yung tagal ko na paghihintay na magkasama kami sa iisang bahay, finally we’re almost there, matutupad na namin,” emosyonal na pahayag ni Juliana.

Jon tinapos na ang pamemeke

Noong Biyernes ng gabi ay ginulat ni Jon Lucas ang netizens sa social media dahil sa kanyang post ng isang larawan na nagkumpirmang isa na siyang ganap na ama. “Gusto ko magpakatotoo na sa lahat, ayaw ko na magpakapeke dahil kung ano man ang mag-matter sa huli, eh ‘yung paninindigan ko at pagiging totoo ko. ‘Yon ang pumalit sa lungkot na naranasan ko sa pagkawala ng nanay ko. Nagkaroon ako ng kaligayahan no’ng mayroon na akong baby,” nakangiting pahayag ni Jon.

Matatandaang nawala sa grupong Hashtags ng It’s Showtime ang aktor. Kahit nasuspinde sa nasabing programa ay masaya naman daw si Jon dahil sa pagkakaroon ng pamilya. Walong buwan na ngayon ang anak ng aktor na si Brycen Christian. “Baby boy, ang pinakamahalaga sa akin ngayon na kahit na-suspend na din ako sa Showtime, eh nalilibang naman ako at nag-e-enjoy ako na naalagaan ko na ang baby ko,” giit ni Jon.

Umaasa ang aktor na patuloy pa rin siyang susuportahan ng mga tagahanga kahit nagpakasal na at may sarili ng pamilya. “Totoo, ayaw ko na talaga magpakapeke. Alam ko makikita ito ng mga supporters at followers ko, lahat ‘to mababasa at mapapanood nila pero ang gusto ko lang and alam ko naman sa huli ‘yung fans ko, mag-stay naman sila. Ang pinakahigit na mag-stay sa akin ay ang family ko, kaya gusto ko silang panindigan,” makahulugang pahayag ni Jon.

Ayon sa aktor ay matagal na niyang gustong aminin sa publiko ang kanyang mga pinagdaanan sa personal na buhay. “Ayaw ko din naman itago nang sobra. Naghintay lang din ako ng time para ilabas siya. Kasi ang manager ko may plano din para sa akin. Siguro napigilan lang ako dahil sa generation nga natin ngayon, ‘yung mga fans baka masaktan kaya ayun, tinanong ko din muna sila. Ngayon siguro pagkakataon na para sabihin ko sa tao na ito ang totoo and kung ano man ang consequence, tatanggapin ko, ” pagtatapos niya.

vuukle comment

JULIANA PARIZCOVA SEGOVIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with