Pauline
Baguhang young actress na si Pauline Daldalera kaya nag-split sina Bianca at Miguel?!
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2018 - 12:00am

SEEN : Ang newbie actress na si Pauline Mendoza ang itinuturo na naghahatid ng mga intriga kay Bianca Umali kaya nagkaroon ng lamat ang friendship nito kina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, ang co-stars niya sa Kambal, Karibal.

SCENE : Bukas, July 23, ang 47th birthday ni Eugene Domingo. Bumalik na uli si Eugene sa Italy para i-celebrate ang kaarawan niya, kasama ang kanyang asawa na si Danilo Bottoni.

SEEN : Sina Raymond Gutierrez, Fabio Ide, Erwan Heussaff, Marc Nelson, Gretchen Ho at Nico Bolzico ang ilan sa mga celebrity na sumali sa TopMudder Philippines na ginanap kahapon sa Alabang, Muntinlupa City.

SCENE : Ang full trailer ng Miss Granny na inilabas ng Viva Films ngayong weekend. Si Nova Villa ang old Sarah Geronimo sa Miss Granny na may playdate sa cinemas nationwide sa August 22.

SEEN : Ang PICC Plenary Hall ang venue ng  two-night 40th anniversary concert ni Lea Salonga sa October 19 at October 20. Favorite concert venue ni Lea ang PICC Plenary Hall.

SCENE : Sa Meycauyan, Bulacan ang shooting ni Vice Ganda para sa Fantastica, ang official entry niya sa 2018 Metro Manila Film Festival. Tumutuloy si Vice Ganda sa set ng Fantastica pagkatapos ng hosting job niya sa It’s Showtime.

SEEN : Blonde ang kulay ng buhok ni Arjo Atayde sa mga eksena niya sa BuyBust ng Viva Films at Regal Entertainment Inc. My koneksyon sa drug cartel ang contravida role ni Arjo sa BuyBust.

PAULINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest