Anne
Walang kapaguran sa Buybust, Anne diretso sa mall pagkagaling ng Korea
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2018 - 12:00am

Aktor na dating lulong at nakabalik na, tumitikim-tikim na naman

PIK: It’s confirmed na ang pelikulang BuyBust ni Anne Curtis ang napiling opening film ng Cinemalaya 2018 na magbubukas na sa August 3.

Ang maganda rito, pumayag naman ang Viva Films na ipapalabas ito ng free admission.

Tradisyon na nga sa Cinemalaya na for 14 years na libre ang ticket sa opening at closing film. First come first served basis, pero dadaan sa priority lane ng entrance door yung mga All-Access Pass holders.

Kaya naman inspired din si Anne na mag-promote. Ratsada nga siya, pagkagaling niya ng New York, tumuloy siya ng Korea at pagdating niya kahapon, diretso siya sa mall show sa Fishermall at Ayala Feliz.

PAK: Pinag-uusapan ng ilang staff ng isang drama series na ang bidang aktor nila ay patuloy pa rin daw pala sa dating bisyo.

Sobrang nalugmok siya nung nalulong ito, pero sa tulong ng mga taong nagmamahal sa kanya, binigyan ito ng pagkakataong makabalik.

Nakabalik naman at bida na nga sa isang drama series, okay na okay naman siya. Pero sabi ng ilang staff, nalaman daw nilang tumitikim-tikim pa rin ito lalo na’t hindi naman nababantayan ng magulang. Nakatira raw ito sa condo unit ng isang kaibigan, at may mga nakakakitang gumagamit pa rin ng dati niyang bisyo. Sana ay huwag daw itong malulong uli, dahil mahirap na siyang mabigyan ng chance kung sakaling mapariwara na naman siya.

Mahal lang daw talaga ng isang top executive ng network nito kaya maganda ang pagbabalik niya at alagang-alaga pa rin.

BOOM: Matalino at cool lang talaga si Janine Gutierrez kaya magaling lang siyang mag-handle ng mga bashers na obvious kontra sa pagtatambal nila ni Alden Richards.

Naging personal na ang ibang pamba-bash pero ipinagkibit-balikat na lamang ni Janine.

May ilang bashers na pati ang paghihiwalay ng magulang niya ay naungkat na hindi na lang pinapansin ng Kapuso actress.

Mas nag-focus na lang si Janine sa kanyang role bilang si Gwen Ragalado, isang reporter na nakaalam ng pagka-super hero ni Victor Magtanggol.

Kasama ni Janine si Andrea Torres sa training ng Parkour, kaya mapapasabak din siya sa mga action scenes.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with