^

PSN Showbiz

Claudine inakusahan ng pagsawsaw!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Claudine inakusahan ng pagsawsaw!
Claudine

SEEN: Inakusahan ng pakikisawsaw si Claudine Barretto dahil isinapubliko nito ang pakikisimpatiya at pagtatanggol kay Kris Aquino na puwede niyang iparating sa pamamagitan ng direct messaging o text messaging.

SCENE: May amnesia ang aktor na si Mark Neumann dahil hindi na nito nakikilala ang mga tao na nakatulong noon sa showbiz career niya.

SEEN: Bumiyahe kahapon sa London ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil special guests sila sa 34th Barrio Fiesta sa London sa July 22. Magkakasabay na umalis sina Coco Martin, Yassi Pressman, John Prats at ang mag-amang Lito at Mark Lapid.

SEEN: Ang baguhang aktres na si Jo Berry ang bida sa Onanay. Onay ang pangalan ni Berry sa bagong drama series ng GMA 7 na tinatampukan nina Nora Aunor, Cherie Gil, Kate Valdez at Mikee Quintos.

SCENE: Comeback teleserye ni Wendell Ramos sa GMA 7 ang Onanay. Lumipat si Wendell sa TV5 noong 2011 at napanood siya sa mga programa ng ABS-CBN mula 2015 hanggang 2018.

SEEN: One game suspension at P535,000 na multa ang ipinataw na parusa ng FIBA sa Gilas Pilipinas head coach na si Chot Reyes dahil sa paratang na “inciting unsportsmanlike behavior” sa kontrobersyal na basketball game na humantong sa pagsusuntukan ng mga miyembro ng  Filipino team at ng Australia Boomers sa Philippine Arena noong July 2.

SCENE: “Armor” ang screen name na ginagamit ni Renan Morales bilang singer. Si Morales ang Nueva Ecija councilor na na-link kay Kris Aquino noong nakaraang taon pero inakusahan na “super-use-me-in-a-sentence” ng former television host-actress. Ang nanay ni Morales ang producer ng Trip ni Kris, ang television special ni Kris sa GMA 7 noong 2017.

SEEN: Artista na rin si Renan Morales dahil kasali siya sa cast ng Durugin ang Droga, ang advocacy movie ng comedian na si Dinky Doo.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with