Matandang musikero, sumisingaw na ang mga kabalbalang ginawa
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2018 - 12:00am

Unti-unti nang naglalabasan ang mga mi­lagrong pinaggagagawa ng isang matanda nang musikerong may nakaputong pa namang titulo sa kanyang ulo. Matagal na palang nananahimik lang ang kanyang mga kasamahan sa mga inimbentong kuwento ng gurang nilang katropa.

?Pero nang magsimula nang ireklamo ng isang concert producer ang wrangler na musikero ay sunud-sunod nang naglutangan ang kanyang mga kalokohan.

?Kuwento ng aming source, “Grupo sila, di ba? Natural, hati-hati sila sa ta­lent fee! Ang madalas na kumukuha ng mga shows nila, e, si ____(pangalan ng mukhang bangkay nang musikero). Siya ang nakikipag-usap sa promoter, siya ang nakikipag-usap tungkol sa talent fee.

?“Humihingi siya agad ng downpayment, si­yempre, maloloko mo ang matsing, pero hindi ang musikerong ‘yun na datung agad ang inaasinta kapag meron siyang kausap.

?“Nagbibigay naman siya ng downpayment sa mga kasamahan niya sa grupo, pero kapag dumating na ang mismong main event, marami na siyang kadramahan sa buhay. Nand’yang sabihin niyang hindi nakapangolekta ang promoter sa mga namamahala ng show.

?“Nand’yang sabihin niyang nalugi ang producer, abonado pa nga, kaya wala nang maipambabayad sa kanilang performance. Naisip ng tropa, bakit ganu’n, kapag ang katropa nila ang tumatanggap ng show, e, palagi na lang silang natatakbuhan?” simulang kuwento ng aming impormante.

?Isang kaibigan nila ang tumawag sa mga show promoters, tinanong nito kung totoo bang hindi nabayaran ang grupo dahil nalugi, nawindang ang tumawag sa mga promoters at producers ng grupo.

?“Nalaman niya na bayad pala ang lahat ng shows na ginawa ng tropa. Sabi pa raw ng isang promoter, ‘Hindi pa nga nagsisimula ang show, e, nakaabang na ang lokong ‘yun sa balance! Hindi makapaghintay!’

?“Basag na basag ang matandang musikero, nang sitahin siya ng kanyang mga kasamahan sa banda, e, siya pa ang galit! Mabuti nga raw at may kumukuha pa sa kanila, siya lang daw ang gumagawa ng paraan para kumita sila!

?“Mula nu’n, kinakausap na ng mga band members ang promoter ng show, inaalam na nila agad kung magkano na ang nakuha ng kasamahan nila at kung magkano pa ang balanseng matatanggap nila.

?“Walang pinagkatandaan ang musi­kerong ‘yun na bulol-bulol na ngang magsalita, e, niloloko pa ang mga kabanda niya! Naku, ayaw ni Juan dela Cruz sa kanyang mga kaokohan!” pagtatapos ng napapailing ng aming source.

?Ubos!

Panalo ni Pacman ‘di pa nakokolekta, wala pang pambalato

Ang bestfriend ng Pambansang Kamao ang tumawag sa amin, si Jayke Joson, para makiusap na linawin namin ang kuwentong lumabas na namimigay raw ng balato si Pacman dahil sa pananalo niya sa laban nila ni Lucas Matthysse sa Malaysia.

?“Tita, fake news ‘yun! Hindi totoo ‘yun! Magbibigay raw ng house and lot at kotse si Senator Manny, walang katotohanan ‘yun!” mabilis na pagkontra ni Jayke.

?Unang-una ay hindi nga naman ginawa ‘yun ng Pambansang Kamao sa kahit anong laban niya. Maaaring nagbibigay nga siya ng balato sa kanyang Team Pacquiao at sa iba pang mga loyalista niya pero hinding-hindi siya nagpapa-advertise ng kanyang pagbabalato.

?Ayon kay Jayke Joson ay meron nang mga makabuluhang proyektong pinaglalaanan si Senador Manny Pacquiao mula sa ha­lagang tatanggapin niya sa matagumpay niyang laban. Sa madaling salita ay wala pang hawak na mil­yones ang Pambansang Kamao, mangongolekta pa lang siya, kaya wala pa siyang pambalato.

?“Napakaraming naghihirap nating kababayan na mula nu’n, e, tinutulungan na niya. Hindi naman kasi umaasa si Senator Manny sa budget lang na hawak niya bilang senador.

?“May sarili siyang perang ipinangtutulong sa mga lumalapit sa kanya. Kaya bakit siya mag-aanunsiyo na namimigay siya ng balato? At may pa-contest pa kunwari ang mga naglabas ng fake news, ha?

?“Wala pa siyang hawak, kokoleksiyunin pa lang niya ang premyo niya, madali kasing maniwala sa mga ganu’ng balita ang ibang mga kababayan natin.

?“Sa kanya pa magagalit ang mga ‘yun samantalang wala naman siyang kalaam-alam sa balitang lumabas,” litanya ni Jayke Joson na kung nasaan ang Pambansang Kamao ay siguradong makikita natin ito sa likuran ng sikat at matagumpay na boksingero.

?Magaling sa blocking si Jayke Joson, sa totoo lang, tumitingin ito sa monitor para makakuha ng magandang exposure na katabi ang Pambansang Kamao.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with