^

PSN Showbiz

Sharon pumiyok sa gap nila ni Kris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sharon pumiyok sa gap nila ni Kris
Sharon at Kris

Kung hindi pa sinagot ni Sharon Cuneta ang tanong ng isang fan, hindi ko malalaman na iniintriga ang message of support niya para kina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang co-stars ni Kris Aquino sa comeback movie nito.

Ang fans lang ang naglagay ng malisya na baka may silent feud sina Sharon at Tetay na mahirap paniwalaan na may problema ang friendship dahil bukod sa pinadadalhan nila ng mga regalo ang isa’t isa, nagpupurihan din sila.

Si Sharon ang tumapos sa intriguing question ng isang fan na “How about Kris Aquino our dear Mega? I hope everything’s ok between you two because I love you both.”

Sumagot si Sharon ng “We have no problem and I certainly do not want to cause one. I am merely giving my Julia and Joshua love and support which they deserve.”

Lola ni Tonton ‘di nakuha ang P100k na premyo sa gobyerno

May isa akong kasalanan na sobrang ikinalulungkot ko Mama Salve.

Iyon lola ni Tonton Gutierrez at nanay ni Liza Lorena na kung tawagin ko ay lola Puckett ay namatay nang may kabiguan dahil hindi ko agad naayos ang isa niyang hiling.

Nabalitaan kasi ni Lola na ang mga senior citizen, binibigyan ng regalo ng gobyerno na 100K pag umabot ng 100 years old. At lagi niya iyon sinasabi kina Liza at Tonton dahil 100 years old na siya pero very sharp pa ang memory.

So pinaayos ko ang mga papel na kailangan at tinawagan ko ang secretary ni mayor Herbert Bautista. Pati kay Tates Gana tumawag din ako dahil gusto kong hingan ng tulong para maayos ang cash grant para sa katulad niyang centenarian.

Sabi ko nga kay Tonton, bakit ‘di na lang niya ibigay ang P100k pero gusto daw ni Lola na makita ang mga papeles na bigay iyon at regalo sa kanya ng QC government.

Either she prides herself as a senior citizen o baka alam mo naman ang mga matanda, baka nasa isip niya iiwan niya ang pera na iyon bilang pamana sa mga mahal niya. Kaya kahit kaya naman ni Tonton at Liza na ibigay sa kanya ang nasabing halaga, basta iyon ang gusto niya, ang 100K na bigay sa kanya.

Malungkot ako dahil under process na iyon papel sa QC pero ‘di na naantay ni Lola, namatay na siya na pangarap na sana may maiwan sa mga mahal niya.

I cried, kasi dun ko napatunayan kung gaano magmahal ang isang magulang. The thought of may maibibigay kang kahit konting regalo sa mga mahal mo kaya talagang hanggang last minute kinukulit niya iyon 100K. Lola, mea culpa, patawad na hindi ko nagawa ang trabaho ko, hindi ko inayos agad. So sorry, let my prayers guide your way. Please, forgive me, my deepest sympathy to Tonton and Liza.

Goma push na push na kay Mega

May nagkuwento sa akin na si Richard Gomez ang makakapareha ni Sharon Cuneta sa bagong pelikula na gagawin nito sa Star Cinema.

Hindi ko lang alam kung kailan magsisimula ang shooting, pati na ang playdate ng pelikula dahil magi­ging busy na si Richard sa kampanya bilang kandidato uli siyang mayor ng Ormoc City sa eleksyon sa May 2019.

Abangan na lang natin ang mga susunod na statement ni Sharon dahil masipag naman siya na magbigay ng mga update tungkol sa mga project na gagawin niya.

Siyempre, natuwa ang fans nina Sharon at Richard sa balita na magsasama uli sila sa isang project dahil malabo na talaga ang posibilidad na magkaroon pa ng Sharon-Gabby Concepcion movie.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with