Sam
Sam, masaya sa relasyon ni Mari Jasmine sa kapwa babae
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2018 - 12:00am

Nagbigay ng reaksyon si Sam Milby tungkol sa dating kasintahan na si Mari Jasmine. Ngayon ay ang direktor na si Samantha Lee ang karelasyon ng TV host-blogger.

Ayon kay Sam ay walang kinalaman ang direktor sa naging hiwalayan nila ni Mari Jasmine ilang buwan na ang nakalilipas. “I’m happy for her. And I want to make it clear, there was no overlapping in terms of that relationship. So to clear her name from that, baka may mga iniisip na, ‘Ah! Kaya pala nag-break sila ni Sam,’” paglilinaw ni Sam.

Matatandaang pinag-usapan sa social media nitong mga nagdaang linggo ang ginawang pag-amin ni Mari Jasmine tungkol sa tunay na relasyon nila ni Samantha. Nanatili pa rin naman daw na magkaibigan hanggang ngayon sina Sam at ang dating kasintahan. “We’re okay. Hindi naman kami nag-uusap like friends in that sense, but we’re okay,” giit ni Sam.

Samantala, sa August 13 ay mapapanood na sa Kapamilya network ang teleser­yeng Halik na pinagbibidahan ng aktor, Yen Santos, Yam Concepcion at Jericho Rosales.

Sunshine pangarap maging teacher

Noong April ay nakapagtapos na si Sunshine Cruz ng kursong Bachelor of Arts in Psychology. Plano raw ngayon ng aktres na ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa pagkuha ng master’s degree. “Plano ko munang mag-ipon and I’m claiming it, na kapag 50 (years old) na ako ay psychiatrist na ako,” nakangiting bungad ni Sunshine.

Nangangarap din ang aktres na maging isang ganap na guro pagtuntong niya ng ika-limampung taong gulang. “Yeah, if given a chance gusto ko ring magturo. Kasi parang ang sarap i-spread ng wings, na nakakatuwa na ngayon na parang ang dami-daming magagandang bagay na nangyayari ngayon sa akin, na parang iba sa ginagawa ko before,” paliwanag ni Sunshine. “That’s something na challenging and it’s something different for me and I love challenges. Gusto ko rin na pwedeng professor, psychologist, doctor of psychology, ‘yan ‘yung mga dream ko na sana maabot ko,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, aminado si Sunshine na nakaranas siya ng dep­resyon noong nagkahiwalay sila ng asawang si Cesar Montano pero nalampasan niya ito. “Binigyan ko ‘yung sarili ko ng few weeks. Kasi I have to work. May offer na ako noon sa ABS-CBN. When I separated, wala pang isang linggo, tinawagan na ako ng ABS. So I have no choice but to work. Ganun pala ‘yon, para siyang sugat na akala mo no’ng una masakit, pero one day magigising ka na naghilom na pala ‘yung sugat at okay na. Kaya ‘yung mga nagkakaproblema, huwag silang mag-alala. Kasi kaya talagang lampasan,” pagbabahagi ng aktres.

SAM MILBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with