^

PSN Showbiz

Maxine sumaya nang mawalan ng bf

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Maxine sumaya nang mawalan ng bf
Maxene

Guwapong actor paboritong topic ang bato at lupa!

PIK: Muntik nang hindi nakalabas ng bahay si Vice Gov. Jolo Revilla dahil sa mataas na tubig baha sa labas ng bahay nila sa Cavite.

Alalang-alala siyang hindi makalabas ng bahay dahil may taping pa siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaya hinintay niya na muna na humupa ang ulan, at nang bumaba na ng konti ang tubig, sinuong na niya ito para makarating lang sa taping.

Ang dami pa rin niyang bahang dinaanan, at thankful naman siya dahil nakarating din siya sa taping kahit na-late ito ng ilang minuto.

Samantala, ayaw nang patulan pa ni Jolo ang mga nangantiyaw sa pagkakamali niya sa isang interview na sinabi niyang “bola muna bago droga”. Kaagad naman niya itong itinama.

Nakarating din sa kanya ang patutsada ni Rocco Nacino sa pagkakamali niyang iyun, pero ipinagkibit-balikat na lamang ito ni Jolo. Nabigyan lang ng malisya dahil pareho kasi silang naging boyfriend ni Lovi Poe.

Pero tinanggal din ni Rocco ito at humingi ng sorry sa komento niyang iyun.

Hindi naman kasi tamang magbigay ng hindi magandang komento sa kapwa mo aktor.

PAK: Iniiwasan na sana ni Maxine Medina na pag-usapan pa ang break-up nila ng model/actor na si Marx Topacio, pero napilitan pa rin siyang sagutin ito nang humarap siya sa presscon ng Pinay Beauty na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa August 15.

Inamin lang niyang single na nga siya ngayon at mas mabuting sa career muna siya mag-focus at sa kanyang pamilya.

“Yes. I’m single, siyempre focus muna ako sa career ko. I love what I’m doing. Ayun nag-i-enjoy ako.

“Lahat naman kasi daming nababago, and siyempre siguro kailangan muna namin ng space to love our self first, para ma-appreciate namin ang isa’t isa,” tipid na pahayag ni Maxine.

Napangiti na lamang siya nang sinabi sa kanyang nabanggit pa naman noon ni Marx na paplanuhin na raw nila ang kasal sa susunod na taon. Pero ito na nga ang nangyari.

“Hindi ko po alam eh. Yeah, napag-usapan namin noon pero marami talagang instances na hindi natin alam,” medyo naaa­langan niyang sagot.

Mas nag-i-enjoy na lang daw siya ngayon sa trabaho niya lalo na dito sa Pinay Beauty na sabi nga ng direktor nito na si Jay Abello, nababagay daw talaga kay Maxine ang role.

BOOM: Marami pala ang nawirduhan sa guwapong young actor na ito dahil sa kakaibang topic ang gusto niyang pag-usapan.

Subukan mo raw tsikahin itong si young actor sa taping or shooting, kapag malalim na ang usapan, magsisimula na raw itong magkuwento tungkol sa existence ng bato, ng lupa at tutuloy na siya sa constellation at kung anik-anik na heavenly bodies.

Sabi ng ilang production staff, napahinga na raw sila sa kuwento ni Chin Chin Gutierrez tungkol sa mga halaman at mga insekto, heto ngayon itong si young actor na gustung-gustong pag-uusapan ang bato at lupa.

Kaya kahit anong guwapo raw nito na pinagnanasaan ng mga ka­badingan, natu-turn off na raw sila kapag si­nimulan na sila ng kuwentong bato at lupa.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with