^

PSN Showbiz

Kris at Star Cinema magkaiba ang binigay na kita sa sariling pelikula

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kris at Star Cinema magkaiba ang binigay na kita sa sariling pelikula
Kris

Mark nagsalita sa pagli-live in nila ni Winwyn; P. A ni Maxine maepal!

SEEN: Ang gay personal assistant ni Maxine Medina na pilit na inaawat ang former beauty queen sa pagsasalita tungkol sa break up nila ng kanyang ex-boyfriend na si Marx Topacio sa presscon kahapon ng Pinay Beauty, ang official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Quantum Films, MJM Productions at Epic Media.

SCENE: May 2:00 pm appointment pa si Maxine Medina ang brilliant excuse ng maepal na gay personal assistant na dapat palitan dahil magiging sagabal siya sa pangarap ng ex-beauty queen na magkaroon ng successful movie career.

SEEN: Above the title ang pangalan at introducing si Winwyn Marquez sa poster ng Unli Life kaya maligayang-maligaya siya. Si Winwyn ang leading lady ni Vhong Navarro sa official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

SCENE: Nagsalita ng tapos si Mark Herras na wala pa sa plano nila ni Winwyn Marquez ang magpakasal. Todo-deny si Mark sa tsismis na live in partners na sila ng kanyang girlfriend.

SEEN: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang BuyBust, ang action movie ni Anne Curtis na closing film ng New York Asian Film Festival. Overwhelmed si Anne dahil sa positive reviews sa kanyang pelikula na potential blockbuster.

SCENE: Inilabas ng Star Cine­ma ang official announcement na P40 million pesos ang box office gross ng I Love You Hater sa apat na araw na showing nito sa mga sinehan. Hindi na masama ang P40 million gross para sa pelikula ni Kris Aquino na hindi baguhan sa pagkakaroon ng flop movie dahil na-pull out sa mga sinehan ang kanyang Metro Manila Film Festival entry noong 2015, ang All You Need is Pag-Ibig.

SEEN: Hinintay muna dapat ni Kris Aquino ang official announcement ng Star Cinema tungkol sa box office gross ng I Love You Hater bago siya naglabas ng statement na mahina ang pelikula nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto, isang subtle na paninira sa sariling project niya.

SCENE: Kumuha ng bato na ipupukpok sa sariling ulo ang reaksyon ng mga tao sa naging desisyon ng Star Cinema na bigyan ng second chance si Kris Aquino na muling gumawa ng pelikula sa movie outfit ng ABS-CBN.

vuukle comment

MAXINE MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with