^

PSN Showbiz

Pagba-back out ni Kim sa movie, pinaliwanag ni Echo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Pagba-back out ni Kim sa movie, pinaliwanag ni Echo

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ngayon ni Jericho Rosales. Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang bagong teleseryeng pagbibidahan ng aktor. Malaki ang pasasalamat ni Jericho sa Aegis dahil sa kantang Halik na siya ring titulo ng bagong soap opera. “Maraming salamat dahil ipinahiram n’yo ang awit sa show namin with the same title, Halik. Coming soon with Sam (Milby), Yen Santos and Yam Concepcion,” bungad ni Jericho.

Bukod sa bagong serye ay isang pelikula rin ang gagawin ng aktor kasama sina Jessy Mendiola at Kim Chiu para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival. “It’s a story about dalawang mag-asawa and nagkabuhul-buhol. It’s a romantic comedy tungkol sa isang artista, ako ‘yung artista,” pagbabahagi ni Jericho.

Kamakailan ay napabalitang nag-backout diumano si Kim sa MMFF movie na kanilang gagawin pero nilinaw ito ng aktor. “It’s too early to say that. Alam mo naman ang pelikula, minsan ako, minsan hindi ako. Hindi ko alam, wala namang backout na naganap,” giit ng aktor.

Janine, hindi pa rin makapaniwala sa narating

Recording artist na ang grand champion ng Tawag ng Tanghalan Season 2 na si Janine Berdin. Biyaya ang kauna-unahang single ng dalaga mula sa TNT Records na pinakabagong recording label ng Star Music. Hindi pa rin halos makapaniwala si Janine sa lahat ng mga biyayang natatanggap niya ngayon. “Hindi ko na po alam kung ano mararamdaman ko ngayon. Kasi lahat ng mga pangarap ko, dati kasi pangarap ko lang kumanta sa stage ng walang bayad. Kaya di ako makapaniwala nang tawagin ako ng TNT champ,” nakangiting kwento ni Janine.

Aminado ang dalaga na avid fan siya ng TNT season 1 winners kaya malaking karangalan para sa singer na makatrabaho ang mga ito ngayon. “Ngayon nandito na po ako, nakatabi ko na ang mga dati hinahangaan ko po, mga season one winners. At nandito na kami, isang pamilya kaya isang malaking thank you po,” pagtatapos ni Janine. 

Sa July 28 ay gaganapin sa Araneta Coliseum ang TNT All-Star Showdown na pangungunahan nina Janine, TNT Season 1 grand champion na si Noven Belleza, online sensation Sam Mangubat at ang international big shot trio na TNT Boys.

Makakasama rin sa malaking concert na ito sina Steven Paysu, Ato Arman, Anton Antenorcruz, Eumee, Froilan Canlas, Marielle Montellano, Reggie Tortugo, Arabelle dela Cruz, at marami pang iba na mga naging produkto ng Tawag ng Tanghalan.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with