^

PSN Showbiz

Kris nasaktan nang tanggihan ng TWBA!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Kris nasaktan  nang tanggihan ng TWBA!
Kris

Dyan bina-bash sa ginawa kay President Digong ; Sa pag-flop ng Joshlia Kris tanggap na sinisisi

SEEN: Ang masakit na katotohanan na pag-amin ni Kris Aquino na hindi siya masaya sa resulta sa takilya ng I Love You Hater pero nagkaroon ng mga block screening ang mga kaibigan niya bilang suporta sa kanyang comeback movie.

SCENE: Ang mga product endorsement niya ang nagbigay kay Kris Aquino ng kumpiyansa na gusto pa rin siya ng publiko pero magkaiba ang kahulugan ng kinukuha siya na celebrity endorser dahil malakas pa rin ang kanyang hatak sa mga tao at nakakatanggap pa rin siya ng mga offer para makatulong sa pag-iingay ng produkto.

SEEN: Matalino si Kris Aquino. Alam at tanggap niya na siya ang sinisisi kaya below than expected ang box-office gross ng I Love You Hater at nadamay pa ang loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

SEEN: Si Vice Ganda ang pinari­    ringgan ni Kris Aquino sa statement nito na “I have been mercilessly spoofed on ABS-CBN in the manner that hasn’t been done to me in GMA & on TV5. But it’s always been damned if you do, damned if you don’t situation for me. So I chose the path of DIGNITY. Only 2 people outside of Star Cinema (and of course, the stars who remain my friends) directly wished me good luck sa opening ng I Love You Hater.”

SCENE: Mali ang akala ni Kris Aquino na mercilessly spoofed lamang siya sa ABS-CBN dahil marami ang makapagpapatunay na wagas din ang impersonation sa kanya ni Barbie Forteza at ng gay comedian na si Tetay.

SEEN: Masakit para kay Kris Aquino ang katotohanan na tinanggihan ang kanyang hiling  na mag-guest ng live sa Tonight with Boy Abunda para i-promote ang I Love You Hater. Matagal nang pre-recorded at hindi live telecast ang talk show ni Boy Abunda sa ABS-CBN.

SCENE: Isinabay ni Kris Aquino ang kanyang mahabang litanya sa mga nangyayari sa career niya sa malaking balita tungkol sa tagumpay ni Senator Manny Pacquiao sa laban nito kay Lucas Matthysse.

SEEN: Noong July 12 ang ika-29 na kaarawan ni Xian Lim pero nagpunta siya kahapon sa San Lorenzo Ruiz Home for the Elderly sa Pasay City para sa kanyang birthday charity.

SCENE: Private na ang Twitter account ni Dyan Castillejo na pinanggigigilan at isinusumpa ng mga pro-Duterte basher dahil sa “Your president” statement niya na patungkol kay President Rodrigo Duterte sa kanyang interview kay Senator Manny Pacquiao noong Linggo sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with