Kris may hugot sa pagpapatawad
(Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabalik ang Queen of All Media Kris Aquino at ang tambalang JoshLia nina Joshua Garcia and Julia Barretto sa modern romance na tatalakay sa kung paanong ang katotohanan ang makakapagbaliktad ng sitwasyon

Bilang pagpapatuloy ng ika-25th anniversary ng Star Cinema, isang engrandeng movie ang handog ng film production at distribution unit ng ABS-CBN, ang I Love You Hater.

Nagbabalik si Kris na huling napanood sa pelikulang Feng Shui noong 2014.

Sa pelikulang I Love You Hater, isa siyang online media mogul na si Sasha na hanap ang ultimate assistant na kayang sabayan ang laro ng kaniyang isip.
Ani direk Giselle Andres, agad nilang naisip si Kris dahil perpekto ito para sa role. 

“Wala kaming maisip na ibang artista para sa role kung hindi si Kris. Ini­sip kong hindi naman niya ito tatanggapin so bakit hindi (itanong). At noong tinanggap niya ito, laking gulat ko dahil wala akong naging problema. Napaka-professional niya,” pagtatapos ni direk Giselle.

Bida rin dito sina Joshua at Julia na huling nagsama sa pelikulang Unexpectedly Yours noong nakaraang taon.

Silang dalawa ay gumaganap bilang mga young professional na may nais patunayan sa kanilang pamilya at nais maatim ang kanilang mga pangarap. 

Sa umpisa’y halos magalit sila sa isa’t-isa ngunit sa huli ay maiisip nilang dapat magpakatotoo sila sa kanilang sarili. 

Sa panahon ng fake news at filters, papatanu­yan ng pelikulang I Love You Hater na mas ma­ngingibabaw ang katotohanan at kapatawaran.

Ani Kris, ang forgiveness ay isang regalong mabibigay mo sa sarili mo. 

“Forgiveness is not about the person saying sorry or because that person loved. Forgiveness comes because you are giving yourself the gift of forgiveness especially for the person you love and you loved.  You don’t have to say the words sorry to be able to forgive.”

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest