^

PSN Showbiz

Finally, aktres pinalayas ng bahay ang mga kamag-anak para magkaroon ng katahimikan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos nang napakahabang panahon ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang isang kilalang female personality na paalisin sa kanyang bahay ang mga taong hindi iba sa kanya.

?Panahon na para magdesisyon ang babaeng personalidad, kailangan na nilang maghiwa-hiwalay, dahil wala na siyang katahimikan ng kalooban sa araw-araw.

?Kuwento ng aming source, “Masakit na decision ang ginawa niya, pero wala siyang choice, kailangan na niyang gawin ‘yun para magkaroon naman siya ng peace of mind.

?“Nu’n pa niya dapat ginawa ‘yun pero binigyan pa niya ng chance ang mga kadugo niya. Walang magawa ang mga kasambahay niya, hindi makapagsumbong sa kanya, sa takot na baka naman sila ang balikan ng mga mahal sa buhay ng female personality.

?“Imagine, isa-isang nawawala ang mga kagamitan ng female personality? Sa isang iglap, nawawala ang mga kitchenware nila, nailalabas ng mga kamay na malilikot, hanggang sa magwala na lang ang nagagawa ng girl.

?“Pati ba naman mga damit ng female personality, pinakikialaman pa rin ng mga kamag-anak niya, ibinebenta nang palugi para lang matustusan ang mga bisyo nila!

?“Natatakot ang mga kasamabahay na magsumbong sa ate nila, pinagbabantaan kasi silang sasaktan kapag nagsalita sila, kaya ayun, palagi silang nawawalan ng mga kagamitan sa bahay!” kuwento ng aming impormante.

?Ilang beses na ring nawawalan ng mga alahas ang female personality, walang ibang puwedeng gumalaw nu’n sa kanyang mga kasambahay dahil kilalang-kilala na niya ang mga ito, kaya sino pa nga ba ang gagalaw nu’n kundi ang mismong mga kadugo niya?

?“Bago pa maubos ang mga ipinundar niya, e, nagdesisyon na ang girl. Binigyan niya ng pangsimulang amount ang mga pinaalis na niya sa kanyang bahay. Kailangan na nilang maghiwa-hiwalay.

?“Natatakot na kasi siya, kapag nasa taping ang girl, e, naiiwanan sa bahay ang utak niya, dahil baka kung ano na naman ang mawala. Baka nga naman habang nagtatrabaho siya, e, tinatrabaho na rin ng mga kamay na gumagapang ang mga personal niyang kagamitan!

?“Okey lang na humingi pa rin ng datung sa kanya ang mga pinaalis niya, walang problema du’n, basta ang mahalaga ay wala na siyang inaalagaang ahas sa bahay niya. Mahirap na nga naman, baka makaengkuwentro pa niya ang mga kadugo niya, baka maging madugo ang kanilang komprontasyon, baka mag-nosebleed siya!” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Ginagawang sumbungan ng mga personalidad ang social media. Ang mga impormasyong gusto nilang ilantad ay sa teknolohiya nila pinadadaan. Napakabilis ng pagkalat nu’n, nakapagbibigay agad ng reaksiyon ang kanilang mga bashers, kung paanong naipagtatanggol naman sila ng kanilang mga tagasuporta at followers.

?May atakeng parang blind item. Walang tinutukoy na pangalan ang nag-post, nag-iisip tuloy ang mga nakababasa kung sino ang kanyang pinatutungkulan, nalalagay sa alanganin ang taong iniisip ng kanyang mga tagahanga na gumawa ng hindi maganda sa kanya.

?Lantaran naming hindi gusto ang pinaiiral na kaangasan ng young actor na si Paul Salas. Hindi namin puwedeng kunsintihin ang kanyang kayabangan lalo na ang pang-aalipusta at pambabastos sa aming mga kasamahang reporter.

?Pero naaawa kami ngayon sa kanya dahil sa pagmumura at paghusga sa kanya ng mga tagasuporta ni Barbie Imperial, ang kanyang girlfriend na nakahiwalay na raw, dahil sa sobrang pagseselos ng binata kay JM de Guzman.

?Ipinost ni Barbie ang mga pasa sa iba-ibang bahagi ng kanyang katawan, meron pang komento ang magandang young actress na hindi tama ang pananakit ng babae, pero wala itong binanggit na pangalan kung sino ang gumawa ng pananakit sa kanya.

?Sana’y nagpakadiretso na lang si Barbie, tutal ay naghahanap ng kakampi ang dalaga, sana’y pinangalanan na lang nito kung sino ang nanakit sa kanya.

?Wala itong tinukoy na pangalan, pero pinupupog na si Paul Salas, tinawag na siyang bakla at kriminal dahil sa pananakit daw kay Barbie. Wala pa ngang pangalang binanggit si Barbie, si Paul Salas na agad ang salarin, ang young actor na agad ang may kasalanan?

?Nagsumbong na rin lang sa social media si Barbie ay hindi pa nito nilubos ang kanyang pag-iingay. Paano kung ni pitik naman pala ay walang ipinatikim sa kanya si Paul Salas? Paano kung totoo mang nagkaroon sila ng engkuwentro ay sa panglalaban lang pala nakuha ng babae ang mga pasa nito?

?Diretso na kung diretso. Wala nang paliguy-ligoy pa. Ilantad na ang pangalan ng kung sinumang nanakit sa kanya!

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

PAUL SALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with