^

PSN Showbiz

Biyahe ng fans ni Pacman, nasulit!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng fans ni Pacman, nasulit!
Pres. Digong at Baste

Kris gusto raw i-date ni Baste

Nasulit ang biyahe ng mga kaibigan, kababayan at fans ni Sen. Manny Pacquiao sa Kuala Lumpur, Malaysia. Tatlong beses lang naman niyang napatumba ang kalabang Argentinian na si Lucas Matthysse na sa totoo lang ay ang guwapo ha.

Uuwing masaya ang lahat dahil nga gumawa na naman ng kasaysayan ang senador na boksingero.

Bukod sa mga pulitikong nanood, may ilang mga artista ring spotted.

Nakita namin si Gerald Anderson pero pagkatapos na pagkatapos ng laban, nagmamadali na siyang umalis ng venue.

Spotted din ang husband ni Cristine Reyes na si Ali Khatibi pero ibang grupo ang kasama. Asan nga ba si Cristine na consistent ang balitang hiwalay na sila?

May ilang starlet din na nagkalat na ‘wag na nating banggitin ang mga pangalan. Hahaha. Basta andun sila at mga nag-effort na mag-ayos. ‘Yung isa nga lumuluwa ang cleavage at super iksi ang skirt at ang isa pa ay naglagay ng fake eyelashes na lalong nagpa-chaka sa kanya.

Andun din sina Diether Ocampo and KC Montero.

In all fairness, marami ring nanood ang mga nagbihis pa as in parang pang-cocktail.

Kaso parang Manila lang ang panahon dito at medyo malayo sa city ang venue so medyo hindi sila gaanong naka-aura.

Si Baste Duterte ay kasamang nanood ni Pangulong Digong with Sec. Bong and Cong. Sonny Belmonte. Ang kuwento ni Bernard Cloma, gusto raw i-date ni Baste si Kris Aquino.

Pero hindi nakarating ang mga ibang head of state na sasaksi sana sa bakbakan maliban kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.

Present naman sina Sen. Ralph Recto, Sen. Tito Sotto and Sen. JV Ejercito.

Sa mga congressman, si Navotas Cong. Toby Tiang­co ang pinakamalapit kay Sen. Pacquiao. Siya ang kasa-kasama niya rito sa Malaysia kahit sa last minute training at siya ang tinatawag pag may kailangan ang Pambansang Kamao. Na­ging magkaibigan sila nang magkasama sila sa Congress noon.

Congrats Pacman.

vuukle comment

LUCAS MATTHYSSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with